Daniel hiyang-hiya na kay Kris; damay sa iskandalo | Bandera

Daniel hiyang-hiya na kay Kris; damay sa iskandalo

Ervin Santiago - December 19, 2014 - 03:00 AM

DANIEL MATSUNAGA AT KRIS AQUINO

DANIEL MATSUNAGA AT KRIS AQUINO

TODO tanggi ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga na ginamit ni Kris Aquino ang pagiging presidential sister nito para maaprubahan agad ang kanyang permanent residency status sa bansa.

Ayon kay Daniel unfair naman daw sa TV host-actress na maakusahan ng malilisyosong balita lalo na’t hindi naman daw ito totoo.

Sey ni Daniel, diresto siyang nakipag-usap sa mga officer ng the Bureau of Immigration matapos siyang manalong Big Winner sa huling season ng Pinoy Big Brother.

“It was not really Kris. Nagtrabaho po ako sa Immigration, doon mismo sa mga commissioners doon. They gave me an opportunity to be a judge in their pageant and other  events.

“Pagkatapos ng PBB po, they said to me na natutuwa sila sa lahat ng ginawa ko sa loob ng bahay ni Kuya. Yung commissioner mismo, he offered to me the papers,” paliwanag ni Daniel.

Dagdag pa ng aktor na kasali sa “Flight 666” episode ng “Shake Rattle & Roll 15” ng Regal Entertainment, showing na sa Dec. 25
“The commissioner was the one saying they are very happy to see that I could be an example to many Pinoys kaya they gave me an opportunity to apply for the papers kasi I’m more than five years na here also.”

Sey pa ni Daniel, baka  na-misinterpret lang ang sinabi ni Kris sa isang episode ng kanyang morning show na handa itong tumulong para maging legal na siyang residente sa Pilipinas.

“Sa Kris TV, sabi niya she has a contact also sa Immigration. Pero talagang dahil sa PBB po,” ani Daniel.
In fairness naman, sa PBB talaga nagsimulang makilala nang husto si Daniel, dumami rin bigla ang kanyang proyekto at endorsements.

“Bago ako pumasok sa Big Brother house, busy din ako sa mga events pero siyempre after PBB, the opportunities were much bigger. Ang daming offers, ang daming endorsements. Sobrang blessed ako. God is really good to me and my family. I am doing my best ngayon para mag-improve po ako,” paliwanag pa ng model-actor.

Wish naman ni Daniel, sana raw mas maging magaling na aktor siya sa pagsapit ng 2015, sa katunayan kinakarir na talaga niya ang pagsasalita ng Tagalog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko maging leading man sa mga movies and soap operas. Gusto ko mag-improve sa lahat including music, sa guitar. I’m trying to adjust also to showbiz kasi it’s something that I want. I want to do it. I will try my best,” sabi pa ni Daniel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending