Vina iwas na iwas sa kamandag ni Robin, tumanggi sa halikan
MATAPANG na inamin ni Robin Padilla during the presscon of “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na totoong hindi na niya pinababa ng sasakyan ang asawang si Mariel Rodriguez noong magkaroon ng show ang cast ng nasabing MMFF 2014 entry noong Nov. 30 sa Monumento, Caloocan City para sa Bonifacio Day.
Nakipag-tie up kasi ang produksiyon ng “Bonifacio” sa organizers ng event para magsilbing promo na rin ng kanilang pelikula na tumatalakay sa buhay at pagkamatay ni Andres Bonifacio.
Sponsor kasi sa nasabing event ang isang produktong ine-endorse ni Mariel, pero paliwanag ni Binoe, “Wala siyang kinalaman sa movie kaya ang leading lady ko (Vina Morales), si Oryang (Gregoria de Jesus) ang kasama ko roon.”
Kaya raw nu’ng moment na ni Vina para sa “Bonifacio” promo ay pinayuhan na nito ang asawa na mag-stay sa sassakyan, “Moment na rin kasi ni Oryang kaya ibibigay natin yun sa kanya,” ani Robin kasabay ng pagsasabing binigyan siya ng permiso ni Mariel kung hilingin ng audience na halikan niya si Vina while on stage.
“Hindi lang kasi ako pinahintulutan ni Vina, eh. Bakit hindi ka kasi pumayag na mahalikan kita sa labi?” baling nito sa kanyang ex-girlfriend.
Kung matatandaan, talagang naging kontrobersiyal ang relasyon nina Robin at Vina noong dekada 90 pero nakaraan na raw ‘yun at nagkapatawaran na raw sila.
Pero sabi ni Vina, nasabi lang daw ni Binoe ang salitang “sorry” ngayong nagkasama sila uli sa movie. Halata talagang may malalim na emosyon sa dalawa pero ang nakakatuwa kapatid na Ervin ay yung pag-level up ng maturity nila though between the two, kitang-kita pa rin kay Robin ang sobrang pagtatangi sa aktres-TV host.
Hirit pa ni Vina, naging maganda naman ang working relationshiop nila ni Robin sa kanilang entry for the MMFF 2014, “And he’s really entry sa MMFF 2014 thankful na never naman talaga akong nagsalita ng masama kay Robin even though siyempre, that time, nasaktan ako.”
Prangka namang sinagot ng tatay ni Daniel Padilla na si Rommel (gumaganap sa ‘Bonifacio’ bilang isa sa mga paring martir na GOMBURZA) na kung wala nga marahil sa buhay ng anak na si Daniel si Kathryn Bernardo, ay wala siyang nakikitang masama kung mahulog man ang kanyang anak kay Jasmine Curtis-Smith na kasali rin sa movie.
“Pero hindi na nga puwede eh, dahil si Jasmine ay mayroon ng BF (Sam Concepcion), tapos malakas yung KathNiel tandem,” hirit pa ni Rommel.
Basta nagpapasalamat daw ang pamilya Padilla sa ABS-CBN dahil kahit paano’y nahahanapan ng iskedyul ang Teen King para makatulong sa promo ng movie.
“Kahit mas maraming beses na sila ang umaayaw sa mga proposed schedule namin, kahit paano, nagbibigay naman,” hirit pa ni Binoe sa participation ng pamangkin sa “Bonifacio”.
“Napakahalaga kasi ng role niya at ng mga iba pang kabataan sa movie. Sila nga yung tutulay at kokonek sa youth of today para mas makilala at lubos nilang maunawaan ang pagiging Katipunero ni Bonifacio,” dagdag pa ni Binoe.
Nag-iisang historical-action movie ang “Bonifacio” sa darating na MMFF na magsisimula na ngayong Dec. 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.