Robin bigo na namang makakuha ng U.S. Visa kaya iniwan ni Mariel | Bandera

Robin bigo na namang makakuha ng U.S. Visa kaya iniwan ni Mariel

Jobert Sucaldito - December 17, 2014 - 05:32 PM

robin padilla
SA presscon ng 2014 MMFF entry na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” starring the new Action King (formerly ay si the late FPJ ang may hawak ng titulong ito) Robin Padilla, magiliw na sinagot ng aktor ang ilang kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Kabilang na riyan ang rumor na selos na selos daw ang asawa nitong si Mariel Rodriguez kay Vina Morales, ang leading lady niya sa nasabing movie.

“Hindi po totoo iyan. Mataas ang paghanga ni Mariel kay Vina, alam naman niyang trabaho lang ito. At hindi talaga siya puwedeng tumambay sa set namin dahil hindi naman siya kasali sa movie kaya naunawaan niyang hindi siya puwedeng magbantay sa akin.

“Puwede naman siyang dumalaw pero choice na rin niyang hindi kami madistorbo sa aming trabaho. Walang selosan,” ani Robin. Pero sinundot ko ito ng tanong tungkol sa kuwento na noong Bonifacio Day daw ay hindi bumaba ang kanyang misis sa sasakyan nang malamang magkasama na sa stage sina Binoe at Vina.

Naganap daw ito sa Bonifacio monument sa Caloocan City, “Sadya talagang hindi bumaba si Mariel pero hindi dahil nalaman niyang magkasama kami ni Vina sa stage.

Alam niya na magkasama that time as part ng promo namin para sa ‘Bonifacio’ dahil nga Bonifacio Day ‘yun. “Si Mariel naman ay meron ding appearance roon a little later kaya hindi talaga siya bumaba dahil pinagbawalan siyang makita habang wala pa ang part niya. Iyon ang story noon.

Hindi dahil nag-iiwasan sila ni Vina. “Wala na kami ni Vina, magkaibigan na lang kami. Mahal ko si Vina bilang kaibigan, mas nakita ko ang kaluluwa niya ngayon. Mas hinahangaan ko siya sa ibang lebel ng pagkatao niya.

Kung nu’ng bata pa kami, siyempre natural lang na physical ang attraction pero ngayon ay iba na si Vina. “Masayang-masaya ako everytime na kasama ko siya sa set at lahat ng lakad namin.

Alam naman ni Mariel ang schedule ko kaya wala kaming problema kay Vina,” paliwanag ni Robin na lalong gumuwapo ngayon. Sumabay pa naman ang balitang bigla raw umalis si Mariel a few days ago papuntang Amerika without him.

Natural na inisip na naman ng marami that it has something to do with jealousy kaya umiwas na lang si wifey para hindi ma-hurt pag nakikitang magkasama sina Binoe and Vina.

“Ha-hahaha! Totoong umalis si Mariel patungong States dahil gusto niyang dalawin ang tatay niya. Matagal ko nang gustong makita ang father niya kaya lang hindi pa rin ako nabibigyan ng US visa kaya siya na lang mag-isa ang tumuloy.

Pero babalik naman siya sa January 8, 2015 and by that time tapos na rin ang MMFF. “Nagkataon lang na maraming kaganapan sa mga buhay namin na pag tinahi-tahi mo ay parang may kakaiba, di ba? Ha-hahaha! Wala iyon.

Faithful ako,” paniguro ni Robin na biniro ulit namin kung kaya pa ba niyang magdagdag ng asawa dahil sa Muslim, puwede yata silang magpakasal hanggang four times.

“Ha-hahaha! Hindi ako ang dapat sumagot diyan. Si Vina ang tanungin niyo,” biro niya. “Mahirap yatang sagutin iyan. Parang nasa hot seat ako ngayon, ha! Ha-haha! Ayokong makagulo ng buhay ng dalawang taong nagmamahalan.

Okay na ako nang ganito, masaya na ako pag nakikitang masaya sina Robin and Mariel. Hindi porke loveless ako ay malungkot na ako, I am very happy with my life now kapiling ang anak ko.

Yes, I go out. I enjoy my life pero iba na ang priorities ko,” ang sabi ni Vina. Ang ganda ng samahan nila sa movie na ito. From the producers down to the staff, they look contented with the outcome ng kanilang finished product.

Maganda ang pagka-execute kahit bago lang ang director nilang si Enzo Williams na marami na ring napatunayan bilang alagad ng sining. Ang ganda rin ng trailer – bongga ang pagkaka-narrate ni Daniel Padilla sa opening ng film sa napanood naming trailer.

Galing din daw ni Tito Eddie Garcia sa pelikula. Kasama rin dito si Rommel Padilla at anak nitong si RJ who will play a very important role. Siyempre, iba talaga ang kalibre ni Robin as an action hero.

Bagay sa kaniya ang role ni Andres Bonifacio.

Natuwa lang ako dahil for the longest time ay ngayon lang kami nakapagtsikahan ni Robin nang matagal-tagal. Magkasama kami nina Roel Villacorta na nagtsikahan after ng presscon.

Sarap ng feeling, nagbalik-alaala kami – kasi nga, matagal din kaming nagsama ni Binoe when he was barely starting in the business. Hindi pa siya sikat noon. Ang ganda ng kuwento ng buhay namin that time.

Kasi nga, in the early ’80s ay pareho kaming nakatira sa bahay ng manager niyang si Direk Deo J. Fajardo sa Sct. Santiago sa Quezon City. Nakakatawa yung mga eksena namin noon.

And mind you, napakaguwapo na talaga ni Robin kahit noong bata pa siya. We were very close that time. Ganito iyon – mahilig kasi si Dikong Deo sa mga nilagang talong, ampalaya at okra.

Iyon ang palaging ulam namin with matching fish pero bihirang mag-serve ng meat sa amin. Si Robin ay palaging tinatabihan ng kasambahay niya ng beef steak. Siya lang ang palaging may meat.

Kaya ang ginagawa ko, pag gusto kong kumain ng karne, hihintayin ko ang pagdating ni Binoe sa gabi at ako ang magsisilbi sa kanya. Then, sasabayan ko siyang kumain, e, di may karne rin ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ganoon ang mga eksena namin that time. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending