Megan ayaw pa ring tumodo sa paghuhubad | Bandera

Megan ayaw pa ring tumodo sa paghuhubad

Ambet Nabus |December 17,2014
facebook
share this

Megan ayaw pa ring tumodo sa paghuhubad

Ambet Nabus - December 17, 2014 - 03:00 AM

megan young
Hindi man tayo pinalad na masungkit ang Miss World title this year na napanalunan ni Miss South Africa, hindi rin naman tayo binigo ng ating  bet na si Valerie Weigmann.

Pumasok naman siya sa top 25 kahit pa nga ang regular nating napapanalunan lagi ay yung lakas natin pagdating sa text votes na this time ay tila nakuha na ng Thailand na  otomatikong naging 11th placer na nakipaglaban sa mga kandidatang pumasok sa top 10.

At least yung talino at ganda talaga ni Valerie ang ipinanlaban niya kaya pumasok siya sa top 25. Napakaganda ni Megan Young nang iputong na niya ang crown sa bagong Miss World.

Siya rin ang nag-host ng coronation night na ginanap sa London. Napaka-meaningful din ng kanyang farewell speech at forever na ngang tatatak sa isipan nating lahat na siya ang kauna-unahang Pinay na nagbigay ng naturang karangalan sa bansa natin.

At dahil tapos na ang reign niya, asahan na nating sa pagbabalik niya sa showbiz ay kakaibang ningning at experience na ang baon-baon niya.

Hmmm….ano kaya ang magiging emote nila ni Mikael Daez ngayong tapos na ang obligasyon niya sa pagiging Miss World?
Anyway, pinag-uusapan din ngayon ang pagpo-pose ng sexy ni Megan sa isang men’s magazine.

Inilabas ito bago pa maipasa ng dalaga ang kanyang korona sa bagong Miss World winner. In fairness, hindi naman bastos o mahalay ang cover ng nasabing glossy mag kung saan nakasando lang si Megan.

Ibig sabihin, ayaw pa rin niyang tumodo sa paghuhubad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending