Pangako Sa Yo ng KathNiel bibigyan ng bagong ‘lasa’ nina Angelica at Jodi
Hindi kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa Wansapanataym pero hataw pa rin ito sa ratings game. Patunay lang na kaya ni Kathryn nang walang ka-loveteam.
Kagabi, siguradong tinutukan pa rin ng supporters ng Teen Queen ang nasabing programa kung saan isang mahalagang desisyon para sa kanyang kinabukasan ang ginawa ng karakter ni Kathryn sa ipinalabas na episode sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi.
Sa gitna ng pagkakaayos ng samahan nilang mag-ama, muling sinubok ang pagmamahal ni Iris (Kathryn) para sa kanyang Papi Douglas (Dominic Ochoa) matapos siyang bigyan ng kanyang lola ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa at maging mas malaya.
Si Khalil Ramos ang kapartner ni Kathryn sa nasabing episode ng Wansapanataym kasama sina Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksyon ni Don Cuaresma.
Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay handog ng Dreamscape Entertainment TV, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina, Kapatid, Anak, Juan dela Cruz at Ikaw Lamang. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym special ni Kathryn tuwing Linggo ng gabi.
Samantala, para naman sa milyun-milyong fans nina Kathryn at Daniel Padilla, huwag na kayong mag-alala dahil malapit tuloy na tuloy na nga ang muli nilang pagsasama sa teleserye.
Anytime soon ay magsisimula na silang mag-taping para sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Makakasama nila rito sina Jodi Sta. Maria bilang si Amor Powers at Angelica Panganiban bilang si Claudia Buenavista.
Siniguro naman ng buong production ng Pangako Sa ‘Yo na ibang-ibang atake naman ang gagawin sa serye para mas maging kaabang-abang ito sa naunang version.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.