Mag-inang Daniel, Karla inireklamo ng mga kaibigan sa showbiz
Ilang kaibigan at kasama sa hanapbuhay ang nakausap namin na may tampo sa mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla.
Makatwiran naman ang kanilang emosyon, mukhang nakalilimot daw ang mag-ina sa mga taong may malaking naitulong sa matagumpay na career ng sikat na heartthrob, ikinakapit pa ngayon sa kanila ang bansag na magnanay na OPM.
Ilang ulit na raw kasing nangangako ang ina ni Daniel ng kung anu-ano, pero wala namang natutuloy, kaya parang nalulungkot ang aming mga kasamahan sa maagang pagiging makalimutin nina Karla at Daniel.
Kailangang maging malinaw ang kuwento. Meron bang taong nangangako sa ngalan ng mag-ina o mismong si Karla ang nagbibitiw ng mga pangakong napapako lang naman?
Kung ibang tao ang nangangako ay maaaring hindi ‘yun nakararating sa mag-ina, sila ang naiipit nang walang kamalay-malay, dahil sa kagagawan ng isang taong mahilig mag-OPM.
Kung ganu’n nga ang nangyayari ay nakakaawa naman sina Daniel at Karla, nasisira ang kanilang kredibilidad nang wala naman silang kasalanan, ang taong sumisira nu’n ang dapat mabigyan ng aral.
Sa totoo lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.