Kris natakot sa mga sasabihin ni Bimby kaya wala sa presscon ng ‘Benjamin’
Nakita rin namin sa studio ng The Buzz ang child star na si Bimby Aquino Yap. Sinusundo niya ang kanyang mommy na si Kris Aquino dahil sabay silang pupunta sa SM San Lazaro para sa back-to-back promo ng respective movies ng mag-ina, ang “The Amazing Private Benjamin” at “Feng Shui.”
Before ng The Buzz, ginanap ang presscon ng “The Amazing PB” directed by Wenn Deramas. Wala sa presscon si Bimby. Duda ng iba baka raw sadyang ‘di pina-attend si Bimby sa presscon kasi nga wala ang kanyang “stage mother”, ang Queen of All Media.
May The Buzz kasi that day si Kris kaya ‘di niya talaga kakayanin na samahan ang kanyang anak na si Bimby sa presscon.
Afraid kaya si Kris na baka kung ano ang masabi ni Bimby sa presscon?
Worst, baka may mga revelations pa na masabi si Bimby tungkol kay Kris. Ha-hahaha!
Anak ni Richard Yap ang role ng youngest son ni Kris sa “TAPB”. May guest appearance naman si Kris sa movie bilang misis ni Richard.
Kwento ni Vice sa presscon, very supportive raw si Kris sa movie nila. Sinasabi pa raw ng TV host na willing siyang mag-number two sa MMFF this year. At madalas din daw sa set ng “Praybeyt” si Kris.
“Kahapon nandodoon siya. Behave lang naman siya kahapon. Pero nu’ng una, nangingialam talaga siya, oo,” natatawang sabi ni Vice.
Masaya naman daw siya kapag nasa set nila si Kris dahil lagi raw itong may dalang pagkain, so lagi silang busog, pati ang production staff ng Viva at Star Cinema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.