Matteo napapatili sa mga daga; Dennis takot na takot sa ahas
AT dahil nga suspense-horror-thriller ang kanilang MMFF 2014 entry, natanong ang apat na aktor kung meron ba silang kinatatakutan sa tunay na buhay.
“Ako, inaamin ko takot talaga ako sa ahas. Siguro kaya ko siyang lapitan, pero siguradong magdadalawang-isip akong hawakan siya. Hindi ko rin siya kayang kainin,” sagot ni Dennis.
At dahil siya ang bida sa “Ulam” episode ng part 15 ng “SRR”, tinanong din siya kung anong pagkain ang hindi niya kayang kainin. Kung ang partner niya sa movie na si Carla ay nandidiri sa mga exotic food tulad ng mga insekto, hindi naman kayang kainin ni Dennis ang papaitan.
Para kay Matteo, “Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako sa daga. Mula pa noong bata ako. Talagang napapasigaw at napapatakbo ako kapag nakakita ako ng daga. Kaya bawal na bawal sa bahay ang daga. Ha-hahaha!”
Aminado naman si JC na hindi siya nakakatulog kapag may nararamdaman siyang mabigat o kakaiba sa isang kuwarto, “Takot talaga ako sa multo. Magkaaminan na. Ha-hahaha! Nakakaramdam kasi talaga ako (ng mga ligaw na kaluluwa), lalo na kapag nasa out of town ako.
“May mga na-experience na rin kasi ako, kapag nga nasa ibang lugar ako, like kung may taping or shooting, kapag biglang bumigat ang pakiramdam ko, ‘yun na. Hindi na talaga ako matutulog hanggang umaga na,” chika ni JC.
Si Daniel naman ay may fear of height, kaya kapag kailangan niyang sumakay ng eroplano, talagang inaatake siya ng nerbiyos. Kaya nga raw isang malaking challenge sa kanya ang episode nila sa “SRR 15” dahil halos lahat ng eksena niya ay nasa loob ng airplane bilang isa siyang flight attendant sa kuwento.
Showing na sa Dec. 25 ang “Shake Rattle & Roll 15” mula sa Regal Films ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Teo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.