‘Kissing Photo’ nina Megan at Mikael kalat na | Bandera

‘Kissing Photo’ nina Megan at Mikael kalat na

Ervin Santiago |December 09,2014
facebook
share this

‘Kissing Photo’ nina Megan at Mikael kalat na

Ervin Santiago - December 09, 2014 - 03:00 AM

maegan young
Kung ang pagbabasehan ay ang latest Instagram post ni Megan Young, mukhang handa na silang umamin ng Kapuso star na Mikael Daez sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nakita namin ang litratong ipinost sa IG ng ating kauna-unahang Miss World, sinadya itong labuan para maging intriguing sa madlang pipol. Pero kitang-kita naman na si Mikael ang kahalikan ni Megan sa nasabing picture.

Makikita sa nasabing larawan si Mikael na nakasuot lamang ng board shorts habang si Megan naman ay naka-black bra na may mahabang tali sa likod at maikling palda.

Ang backgroung nito ay dagat at malalaking bato. And yes, magkadikit ang kanilang mga labi sa nasabing litrato.
Nilagyan ito ni Megan ng caption na: “Make each moment count. Make each memory amazing.”

Ayon sa mga netizen na nakakita rin ng picture nina Megan at Mikael, maaaring ito na ang tamang panahon na hinihintay ng dalawa para umamin sa kanilang relasyon dahil malapit na ngang matapos ang pagiging Miss World ng aktres.

Nu’ng huli naming makachika si Mikael, ayaw pa rin niyang magdetalye tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Megan, ayaw din niyang mag-confirm or magdenay tungkol dito.

Kahit naman si Megan kapag naiinterbyu ng press about Mikael ay marespeto itong nagsasabi na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng Kapuso TV host-actor.

Pero sa paglabas nga ng kissing photo ng dalawa sa Instagram, naniniwala ang kanilang fans na handa na silang ibandera sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan.

Pero meron namang nagsabi na baka raw promo lang ito para sa gagawing project ng dalawa kung meron man. Baka raw may bagong endorsement lang ang dalawa kaya hina-hype sa mga intriguing pictures.

Parang bago naman daw kayo nang bago sa mga artista na puro gimik ang alam gawin!  Sabi pa ng nagmamaasim na kausap namin, “Dati tanggi sila nang tanggi, super iwas sila ngayon, ayan may kissing scene pang emote, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending