KRIS ayaw makialam sa relasyong PNOY-GRACE | Bandera

KRIS ayaw makialam sa relasyong PNOY-GRACE

- April 10, 2012 - 03:25 PM

Gusto raw ng kuya niya ng privacy sa kanyang lovelife

NAKAPAGPAHINGA na ng husto ang Queen of All Media na si Kris Aquino nitong nakaraang Holy Week kaya naman back to work na siya kahapon sa live episode ng Kris TV at nag-taping pa para sa apat na episode ng kanyang morning show.

Kinailangan na kasing i-tape lahat ni Kris ang episodes ng Kris TV this week dahil lagare na siya sa taping ng seryeng Kailangan Ko’y Ikaw simula ngayong araw, pati na sa Huwebes at Sabado.

Tulad ng ibang mga celebrity ay sa Boracay din nagpahinga si Tetay kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at mga pinsan ng dalawang bagets.

As of now ay nananatiling tikom pa rin ang bibig ng TV host-actress sa tuwing tatanungin namin sa kanya si Grace Lee dahil aniya, “Gusto kasi ni PNoy ng privacy.”

Pati nga sa mga isyung ipinupukol kay PNoy ay ayaw nang magsalita ni Kris dahil naniniwala siyang kusang mamamatay ang mga isyu kapag walang nagsasalita mula sa kanilang magkakapatid.

At maging sa Twitter account ni Kris ay hindi na rin siya nag-a-update na ipinagtataka talaga ng kanyang mga followers.

Ayon sa mensahe sa amin ni Kris, “I only use INSTAGRAM. That’s where I’m active.”

Samantala, tinanong namin kung kumusta ang taping ng Kung Kailangan Ko’y Ikaw at kung puwede na siyang dalawin para makatsikahan namin pati na rin sina Robin Padilla at Anne Curtis, pero hindi na kami sinagot ng TV host-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending