Kathryn kinilabutan sa trailer ng Pangako Sa ‘Yo | Bandera

Kathryn kinilabutan sa trailer ng Pangako Sa ‘Yo

Ervin Santiago - December 07, 2014 - 03:00 AM

kathryn bernardo
Mapatutunayan na ng karakter ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo kung sino ang kanyang mga tunay na kaibigan sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi ngayong gabi.

Sa kabila ng kanyang kagustuhan na matanggap ng mga kaeskwela, masisira na ang tiwala na ibinigay ni Iris (Kathryn) sa mga ito matapos niyang matuklasan ang masasamang balak sa kanya ng mga itinuring niyang kaibigan.

Matututunan na ba ni Iris na pahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya lalo na si Papi Douglas (Dominic Ochoa) na labis na nagpoprotekta sa kanya?

Ano ang gagawin kapag nagsimula nang maging permanente ang pagbabagong anyo ng kanyang tatay? Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman at John Lapus.

Ito ay sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksyon ni Don Cuaresma. Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa produksyon ng Dreamscape Entertainment TV.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym special ni Kathryn ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Samantala, kinilabutan daw si Kathryn nang mapanood ang teaser ng seryeng Pangako Sa ‘Yo nila ni Daniel Padilla. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin sila makapaniwala ni DJ na sila na ang magbibida sa remake ng nasabing serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending