Marian: Hindi kami tatanggap ng regalo ni Dong sa kasal namin! | Bandera

Marian: Hindi kami tatanggap ng regalo ni Dong sa kasal namin!

Ervin Santiago - December 07, 2014 - 03:00 AM

mariandong  rivera
NANAWAGAN ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa lahat ng dadalo sa kasala nila ni Dingdong Dantes na i-donate na lang ang kanilang ireregalo sa YES Pinoy Foundation ng Kapuso Primetime King.

Napagdesisyunan nila ni Dingdong na hindi sila tatanggap ng regalo sa kanilang wedding, “Sa kasal namin, hindi kami tatanggap ng regalo.

Sa invitation namin, nakalagay na yung lahat ng magbibigay sa akin, ibigay na lang sa foundation, sa YES Pinoy Foundation.
“Gusto ko lang po linawin na napakarami man naming mga ninong at ninang, lahat po ng donations nila ay hindi naman para sa amin.

Lahat po iyon ay para sa foundation,” ani Marian nang makachikahan ng entertainment press sa ibinigay na bridal shower ng Belo Medical Group noong isang araw.

In fairness, sunud-sunod ang isinagawang bridal shower para kay Marian, pero nilinaw ng aktres na hindi niya ito hiningi o ipinagpilitan, talaga lang daw maraming nagmamahal sa kanya kaya ang mga ito na ang nagkukusang magpa-bridal shower.

“Hindi ko po plinano ‘yan. Ibinibigay po sa akin ‘yan. Siguro laking pasasalamat ko lang na maraming nagbibigay sa akin ng bridal shower,” sey ni Marian.

Inimbitahan nga nina Dra. Vicki Belo at Cristalle Henares ang ilang kaibigan ni Marian sa press para maki-join sa ibinigay nilang bridal shower sa bago nilang Belo Bride.

Sabi nga ni Dra. Vicki, “Marian embodies the charm and beauty of a Belo Bride. And we are proud na kami ang magiging partner niya to ensure that she wioll have a beautiful ever-after.”

Dagdag naman ng anak niyang si Cristalle, “Weddings are always a heartwarming celebration that revolves around the bride. And bride can be as strikingly beautiful as Marian on her big day.

And with Belo, we have created bridal packages that can help her glow and radiate – from her face all the way down to her waist.”
Ano ang feeling ni Marian sa sunud-sunod na bridal showers na ibinibigay sa kanya tulad na lang ng nangyari kahapon sa Eat Bulaga, “Minsan nga niloloko na nga ako ng mga kaibigan ko, ‘Ilang bridal shower ba ang gusto mo?’ Correction po, hindi po bride ang namimili kung ilan dahil ibinibigay po sa bride ‘yan.

“So, wala po akong karapatan tumanggi sa mga nagbibigay sa akin. Example, ‘yung sa Eat Bulaga, wala akong alam du’n. Pero sinabi lang sa akin na kailangan kong pumunta sa Bulaga dahil bibigyan ka namin ng bridal shower,” anang magiging misis ni Dingdong.

Sey pa ng aktres, hinding-hindi siya magsasawang puntahan ang lahat ng bridal shower na ihahandog sa kanya ng kanyang mga kaibigan dahi, “Ang sarap sa pakiramdam kasi, tulad ngayon, kasama ko kayo ngayong press people na nandiyan para sa amin, tumutulong para sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masaya ako sa bawat bridal shower na pinupuntahan ko, ito talaga ‘yung mga mahal ko sa buhay at malalapit sa akin. Lahat mahalaga at lahat espesyal,” sabi pa ng napakaganda at napakaseksing Belo Bride.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending