ITO naman ang matigas na pahayag ng isang kabataang anak ng OFW na nasa Europa.
Highly skilled worker si Dante at napakalaki ng suweldo. Katuwiran niya, wala naman talaga siyang pinaglalaanan ng kaniyang mga paghihirap sa abroad kundi ang pa-milya lamang niya.
Ito ang kuwento niya sa Bantay OCW. Walang trabaho si misis. Tatlo ang kanilang mga anak. Tapos na sa kolehiyo ang dalawa ngunit wala ring mga trabaho.
Nagkokolehiyo pa ang bunso. Mapagmahal sa asawa’t mga anak si Dante. Pati luho nila, ibinibigay niya. Gayong alam niya na minsan naabuso na rin siya, pikit mata na lamang si Dante.
Pambawi na lamang ‘anya iyon dahil sa hindi naman niya makasama ang pamilya.
Ngunit nitong mga nakaraang taon, labis nang dinaramdam ni Dante ang magaspang na pagtrato ng pamilya sa kanya. Ang asawang inaasahan niyang magdidisiplina sa mga bata habang wala siya ay abala rin sa sarili niyang mga gastusin.
Nababarkada si misis. Palaging kasama ang mga amiga. Gastos niya palagi dahil malaki nga ang suweldo ni mister. At kung mamili ng personal na mga gamit, sabi ni Dante, “puro branded po at mga signature clothes’.
Minsan niayng kinausap ang buong pamilya at sinabi na pahalagahan saba ang kanyang paghihirap dahil hindi sila nakatitiyak kung hanggang kelan ang kanyang trabaho sa abroad, nauwi sa sumbatan ito.
Nagkapalitan din ng maanghang na salita, at sa bandang huli, ikinabingi niya ang tinuran ng kaniyang anak na “obligasyon naman niyang magpadala sa kanila.”
Wala uamno siyang naramdamang pagmamahal sa kanya ang pamilya. Pera lang talaga ang dahilan kung bakit kinikilala pa siya ng pamilya.
Sising-sisi siya. Nasabi niya tuloy, sana hindi na lamang siya nag-abroad dahil tinubuan ng sungay ang kaniyang pamilya.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinnggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming:E-mail: [email protected]/ susankbantayocw@yahoo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.