Allan K, Sylvia binigyan ng star sa ‘Walk of Fame’ ni Kuya Germs

By Jobert Sucaldito December 03,2014
share this

Allan K, Sylvia binigyan ng star sa ‘Walk of Fame’ ni Kuya Germs

By Jobert Sucaldito December 03,2014
share this

sylvia sanchez
Congratulations naman sa lahat ng mga bituin nating pinarangalan ng mahal nating si Kuya Germs sa kaniyang Walk of Fame sa Eastwood last Monday.

Sayang nga lang at hindi namin nadaluhan ito ni Michael dahil we had to rush to Resorts Hotel para sa 27th Aliw Awards kung saan nanalo nga siya bilang Best New Male Artist.

Pero sobrang-saya namin dahil dalawa sa pinakamalapit sa puso namin ang binigyan ng honors ni Kuya Germs sa Walk of Fame – sina Ms. Sylvia Sanchez and Allan K.

“Kaysarap ng pakiramdam na ang pinagpaguran naming mga artista sa loob ng maraming taon ay nabigyan ng pagpapahalaga ng katulad ni Kuya Germs. It is unbelievable.

Yung lahat ng pagod mo through the years ay napawing lahat. Kaya abot-langit na pasasalamat sa iyo, Kuya Germs for recognizing our efforts and talent,” ani Ms. Sylvia Sanchez who had to fly yesterday for the US para dumalo sa kasal nina Aiza Seguera and Liza Diño.

“Ang pagkakaroon ng slot sa Walk of Fame ang siyang nagbuo sa aking pagkatao – sa aking pagiging performer. Isa na akong alamat. Ha-hahaha!

“Kumbaga, mawala man tayo sa mundo one day, hindi na tayo basta-basta makakalimutan ng mga tao na minsan sa buhay natin ay naging bahagi tayo ng isang masayang industriyang nagbigay sa akin ng magandang buhay at nakapag-iwan ng magandang alaala sa ating mga manonood,” ani Allan K. who just arrived from Japan.

Nakakatuwa itong experiences namin these past few days. From the very successful birthday concert na pinrodyus namin for Michael sa Music Museum heto at idinaos naman ang Walk of Fame ni Kuya Germs at the same time ay tumanggap naman ng Best New Male Artist trophy si Michael from Aliw Awards. What a positive week! So much good news the week ahead!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending