May isa kaming friendship na hindi naman fan ni Cristine Reyes, pero bilib na bilib siya sa aktres kapag napapanood daw niya sa primetime series ng Dos na Dahil Sa Pag-Ibig.
Talaga raw nahasa na nang husto si Cristine sa pag-arte.
Sabi ng aming kaibigan, “Mas magaling na siya sa ate Ara (Mina) niya.
Mabuti na lang lumipat siya sa ABS dahil kung nasa GMA pa rin siya, siguro hanggang ngayon extra-extra pa rin ang drama niya.
Nagtagumpay ang Dos na gawin siyang isang certified drama actress.”
Naku, agree ba kayo diyan? Mas magaling na aktres na si Cristine kesa kay Ara?
Kung ako ang tatanungin, totoo!
Para kasing mas malalim ang pinaghuhugutan ni Cristine kaya mas sincere at mas nakakadala ang kanyang acting.
Ngayong darating na linggo, isasakripisyo at tatalikuran na nga ng karakter ni Piolo Pascual sa Dahil Sa Pag-ibig ang kanyang relasyon sa karakter ni Cristine para pagtuunan ng pansin at patatagin pa lalo ang kanyang pananampalatata sa Diyos.
Paano haharapin ni Jasmin (Cristine) ang panibagong mundong kanyang kinamulatan pagkatapos ng aksidente ngayong pumanaw na ang kanyang ina at tinalikuran na siya ni Alfred (Piolo)?
Kayanin ba ni Leo (Christopher de Leon) na hindi pansinin ang kanyang kunsensya matapos niyang ipapatay ang kalabang si Rodolfo Zaguirre (Bing Davao)?
Ano ang mga magiging pagbabago sa buhay ng mga Valderrama sa nalalapit na pagdating ni Oliver (Jericho Rosales)?
Patuloy na tutukan ang lalong gumagandang istorya ng Dahil Sa Pag-ibig gabi-gabi, after Walang Hanggan sa Primetime Bida ng ABS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.