Bandera coverage ng 40th MMFF simula na | Bandera

Bandera coverage ng 40th MMFF simula na

- December 01, 2014 - 07:40 PM
Metro Manila Film Festival - Bandera Inquirer CoverageILANG araw na lang at Pasko na, ibig sabihin simula na rin ng matinding laban para sa gaganaping 40th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25. At para mabigyan kayo ng latest updates araw-araw tungkol sa walong official 2014 MMFF entries, pati na rin sa limang kalahok para sa New Wave section, gumawa ang Bandera.ph ng isang espesyal na bahagi sa ating official website. Mababasa rito ang mga interview sa mga artistang bumibida sa mga kalahok na pelikula, pati na rin ng mga direktor at producer ng walong entries. Abangan din ang gagawin naming review sa bawat pelikulang kasali at ang aming coverage sa gaganaping Parade of Stars at Gabi Ng Parangal. Narito ang magic 8 na maglalaban-laban sa 40th Metro Manila Film Festival (apat sa walong official entry ay puro sequel). “Kubot: The Aswang Chronicles 2” ni Dingdong Dantes (Reality Entertaintment, GMA Films and Agostodos Pictures) sa direksiyon ni Erik Matti. “Bonifacio” starring Robin Padilla, Daniel Padilla at Vina Morales, directed by Lawrence Williams. “Magnum Muslim .357” nina ER Ejercito at Denise Laurel (Scenema Concept) sa direksiyon ni Jun Posadas. “Praybeyt Benjamin 2” nina Vice Ganda, Richadrd Yap at Bimby Aquino Yao (ABS CBN Productions and VIVA Productions) directed by Wenn Deramas. “Feng Shui 2” ninaKris Aquino at Coco Martin (ABS CBN Productions and VIVA Productions), sa direksiyon ni Chito Roño. “My Big Bossing’s Adventures” starring Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Marian Rivera, Niki Gil (Octoarts, MZET, APT Entertainment), directed by Joyce Bernal, Marlon Rivera and Tony Reyes. “Shake, Rattle & Roll 15” nina Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe, Daniel Matsunaga, John Lapus, Erich Gonzales and JC de Vera (Regal Entertainment) directed by Jerrold Tarog, Dondon Santos and Perci Intalan. “English Only Please” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay (Quantum Films) directed by Dan Villegas. *** Narito naman ang limang official entry sa MMFF 2014 New Wave na nasa ikalimang taon na. “Gemini” ni Ato Bautista; “Mother’s Maiden Name” ni Zig Dulay; “Magkakabaung (The Coffin Maker)” ni Jason Paul Laxamana; “Maratabat (Pride and Honor)” ni Arlyn Dela Cruz at ang “Mulat” ni Diane Ventura. Mapapanood ang limang entries mula Dec. 16 hanggang  24 sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas. Sa interview kay Metro Manila Film Festival chairperson Francis Tolentino na siya ring namumuno sa taunang filmfest (huling taon na niya sa MMFF), umaasa itong mas magiging matagumpay ang filmfest ngayong taon. “We place in one room together all the bright minds of cinema for them to come up with a beautiful film. I dream of that day when we will have a yearly cinema fair where we will meet together and come out not as competitors but as friends for a more dynamic Philippine film industry. “We are laying the groundwork. I look forward to the day when the Philippine movie industry is one; hindi na Kapuso, hindi na Kapamilya…may iisang camera dahil may iisang direksiyon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending