Alden: Wala kaming relasyon, hindi ko po siya niligawan! | Bandera

Alden: Wala kaming relasyon, hindi ko po siya niligawan!

Ervin Santiago - December 01, 2014 - 03:00 AM

alden richards

NATAWA lang daw si Alden Richards nang makarating sa kanya ang isyung nagkaroon sila ng “relasyon” ng Kapuso young kontrabida na si Rita de Guzman.

Sa panayam kasi kay Rita kamakailan ng ilang members ng press, inamin nitong nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Alden noong mga panahong lagi silang magkasama sa mga proyekto ng Siyete, pero naudlot nga ito at hindi na nauwi sa seryosong relasyon.

“Actually, nu’ng nabasa ko yung issue, natawa ako. Of course, every project, ganu’n po ako sa lahat ng nakakatrabaho kong leading ladies at mga babae sa industry. I see to it that I treat them special, and Rita and I are really good friends,” paliwanag ni Alden.

Nagkasama ang dalawa sa mga seryeng One True Love (2012) at Mundo Mo’y Akin (2013), pero paglilinaw nga ng Kapuso leading man, “Wala naman pong courtship. We were just very close.”

Natanong din si Alden sa nakaraang pocket presscon ng Bet Ng Bayan kung bakit nasabi ni Rita na nagkaroon sila ng MU, “Hindi naman po. Siguro nagkamali ng perception.

Siguro she’s just overwhelmed kasi ganu’n po ako sa lahat. I treat them special, ‘tapos yung mga yakap, ganu’n po talaga ako.”
Ibig ba niyang sabihin “assuming” ang drama ni Rita? “Hindi naman po nag-assume, siguro overwhelmed lang siguro siya sa feeling na…siguro nu’ng itinanong yun sa kanya, in a very much positive state of mind siya, kaya nasabi niya ‘yon.”

“But I don’t mind, it’s okay. Sa showbiz naman po, I have a lot of girl friends—girl na friends po—and kinu-consider ko po siya na one of my closest also because of her mom, mabait din po sa akin.”

So, ano ba talaga ang relasyon nila ni Rita ngayon? “Very good friends po, I should say. Siguro, in a way, you can call that a mutual understanding. Kasi our relationship is mutual, we agree on everything ‘pag nag-uusap kami.

So, friendship, yes po. Hindi po nagli-lean towards romance. We share secrets, we share stories sa mga family.”  Pagkatapos ng isyung ito, may balak ba siyang baguhin ang pakikitungo niya sa mga co-stars niyang babae para hindi naman nag-a-assume ang mga ito? “Siguro there’s nothing to change kasi I know sa sarili ko na I am not eyeing for anything more than what I’m showing them.

Ganu’n na nila ako nakilala. “Wala naman po akong plans na baguhin ang pakikitungo. Siguro sobra-sobra lang ang pagiging gentleman ko to the point na nami-misinterpret, pero I don’t mind,” esplika pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending