LE TOUR de FILIPINAS LALARGA SA PEBRERO | Bandera

LE TOUR de FILIPINAS LALARGA SA PEBRERO

Mike Lee - November 27, 2014 - 12:00 PM

ASAHAN ang pagdating ng mga de-kalibreng dayuhang siklista para sukatin ang mga bigating local riders sa paglarga ng 2015 Le Tour de Filipinas.

Di tulad sa nakagawian na ginagawa ang padyakan tuwing Abril, ang LtDF na nasa ikaanim na edisyon na, ay paglalabanan mula Pebrero 1 hanggang 4.

Ginawa ito ng organizers sa pangunguna ni LtDF chairman Alberto Lina matapos iendorso ng international cycling body na UCI upang maihanay sa Asian  Tour calendar.

Para patingkarin pa ang aksyon, ibinalik ang pagtatapos ng karera sa mapanghamong ahunan sa Cordilleras patungo ng Burnham Park sa Baguio City.

“We are going back to the Tour’s signature stage that frustrated numerous pretenders but paved pedestals for dozens of champions who have gone down in history as our heroes on two wheels,” wika ni Lina, chairman at presidente ng Air21 na siyang nagbalik ng Tour labindalawang taon na ang nakalipas.

May 15 koponan na bubuo sa 75 riders ang inaasahang sasali at ang kompetisyon ay magsisimula sa Pebrero 1 sa isang out-and-back 126-kilometer Balanga-Balanga race na dadaan sa mga bundok sa Bataan, ang kinakitaan ng matinding labanan noong ikalawang digmaan.

Ang Stage Two ay isang 153.75-km sprint race mula Balanga hanggang sa Iba, Zambales habang ang Stage three ay isang 149.34-km karera sa patag na daanan mula Iba hanggang Pangasinan.

Nasa 101-km ang huling araw ng karera na unahan sa pagdomina sa bulubunduking Cordilleras gamit ang Kennon Road.

Nais ng mga siklista ng Pilipinas na mapangunahan uli ang karera upang sundan ang markang ginawa nina Baler Ravina (2012) at Mark Galedo (2014) na nagkampeon sa LtDF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending