Christian inaming nai-insecure din: Lalo na pag walang bumibili ng kanta ko!
Hindi itinanggi ni Christian Bautista na noong medyo bago-bago pa siya sa showbiz ay nagbibilang din siya ng exposure sa mga ginagawa niyang programa.
“Noong bata pa, aminado ako na ganu’n ako mag-isip, parang bakit ako ganito, bakit ganyan, e, may nag-explain lang sa akin.
“Una, pana-panahon lang talaga, pangalawa, itong mga show reacts to who you are and what you’re doing, how are you with the staff, how are you with your fans, how are you with your label, anong ginagawa mong bago, anong project ang ginagawa mo.
Kapag mayroon kang ginagawa, magre-reflect ‘yun, dadami ang linya mo, dadami ang kanta mo, posible na ang dami mong ginagawa, so ganu’n lang talaga, paikut-ikot lang.
“Kung may panahon ba na walang nangyari sa akin, may panahon bang na-insecure ako, meron, pero hindi ko (ninega), ginawa ko na trabaho-trabaho ulit hangga’t makarating ulit (sa limelight),” magandang paliwanag ng binatang singer.
Inamin din ni Christian na may insecurities din siya, “Nai-insecure ako kapag ‘yung mga kantang nilalabas ko, e, walang bumibili, marami namang ganyan, hindi lang ina-admit,” pagtatapat ni Christian.
Samantala, sa bagong album ni Christian na “Soundtrack” ay nagustuhan namin ang duet nila ni Rachelle Ann Go na “The Way Were” mula sa Universal Records kaya’t tinanong namin kung may posibilidad silang magbalikan dahil pareho silang single ngayon, “Possibility for reconciliation? Tingnan natin, pero sa ngayon, walang plan kasi wala lang.
Hanggang ngayon magkaibigan kami.” Samantala, dadalawin ni Christian sina Rachelle Ann at Mark Bautista sa London kung saan siya magbabakasyon mula Enero 1 hanggang 15, “I’m happy for them, sina Mark at Rachelle, dumadating sa atin ‘yung news doon na hindi natin pinipilit, hindi natin sinusulat, so masarap ang feeling,” say pa ng binata.
Umaasa rin ang binata na sana ay may dumating ding tamang role para sa kanya sa isang musical play sa ibang bansa, “Kaya dapat mag-aral na akong sumayaw talaga para maging ready.
So kung gusto ko talaga ng international career, kailangang karerin ko ang dancing,” say ni Christian Ilan pa sa tracks sa “Soundtrack” album ni Christian ay ang “Come What May” (duet with Nikki Gil), “Up Where We Belong”, “How Deep Is Your Love”, “When You Say Nothing At All” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.