HUWAG ISMOLIN SI CHRIS ALGIERI | Bandera

HUWAG ISMOLIN SI CHRIS ALGIERI

Melvin Sarangay - November 22, 2014 - 03:00 AM

chris algeiri

DEHADO na maituturing si Chris Algieri sa World Boxing Organization (WBO) welterweight title fight laban kay Manny Pacquiao bukas ng umaga sa Cotai Arena ng The Venetian sa Macau  subalit hindi maikakaila na kaya niyang magtala ng upset win.

Ang walang talong American boxer ay hindi isang pipitsuging boxer at katulad ng Hollywood boxing hero na si Rocky Balboa kaya niyang bumangon sa bingit ng pagkatalo.

Sa huli niyang laban kay Ruslan Provodnikov nitong Hunyo dalawang beses siyang bumagsak sa unang round subalit nagawa niyang makabawi para maitakas ang dramatikong split decision win at mauwi ang WBO junior welterweight crown.

Si Algieri ay mahusay, talentado at mautak na boxer kaya hindi puwedeng magkumpiyansa si Pacquiao. Pero hindi rin ito magiging madali para kay Algieri.

Si Pacquiao ang magiging ikawalong kaliweteng katunggali ni Algieri kaya hindi na katakataka kung ang American champ ay batid na kung paano tatalunin ang isang kaliweteng boksingero.

Hindi man kilala si Algieri bilang isang knockout artist (mayroon lamang siyang 40% KO percentage) sigurado naman na kaya niyang patumbahin ang kanyang kalaban.

Ang kumpiyansa sa sarili ni Algieri (o ang sabi naman ng iba ay ’angas’) ay magiging susi rin para manalo sa kanyang laban kay Pacquiao. Ang tiwala sa sarili ay malaking bagay sa labang ito at hindi rito nagkukulang si Algieri na nais patunayan  sa mundo na kaya niyang makipagsabayan sa mga tulad ni Pacquiao.

Sinabi rin ni Algieri na ang laban niya kay Pacquiao ay magiging tulad ng isang chess match kaya kung ilalabas niya ang buong husay sa laban siguradong magwawagi siya sa pamamagitan ng split o unanimous decision.

Masasaksihan via satellite ang labanang tinaguriang “Pacquiao vs. Algieri: Hungry for Glory” sa GMA Channel 7 mula alas-11 ng umaga. Maaari namang sundan ang live blow-by-blow account ng salpukan nina Pacquiao at Algieri sa  Super Radyo DZBB 594, Barangay LS 97.1 at sa  lahat ng RGMA stations sa bansa simula alas-10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending