Carla ibinandera ang tunay na sakit ni Tom | Bandera

Carla ibinandera ang tunay na sakit ni Tom

Ervin Santiago |November 21,2014
facebook
share this

Carla ibinandera ang tunay na sakit ni Tom

Ervin Santiago - November 21, 2014 - 03:00 AM

TOM RODRIGUEZ AT CARLA ABELLANA

TOM RODRIGUEZ AT CARLA ABELLANA

KINUMPIRMA ni Carla Abellana ang tungkol sa sakit ng rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

Sa presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, ang “Shake Rattle & Roll XV”, ikinuwento ni Carla kung ano ang sakit ng Kapuso actor. Sey ng aktres, dahil daw ito sa sobrang pagtatrabaho ni Tom, literal daw talaga na wala itong pahinga.

“Nagti-taping pa lang po kami ng My Destiny, ganyan na ‘yan, e. You would think na after (taping), kahit paao, nakakapag-rest siya, pero parang du’n bumabawi ang katawan niya.

“Tapos do’n bumibigay pa, nagkaroon ng complication dito sa spine niya, sa heart niya, whatever, ganyan. Of course, andaming karamdaman na ‘di maganda. I referred the doctor to him. Ako ang nag-recommend ng chiropractor sa kanya. Yung doctor ko ang nag-refer ng cardiologist sa kanya,” sabi pa ni Carla.

Dito na natanong sa kanya kung nagkakaroon ba ng mood swings si Tom dahil sa kanyang karamdman, kasi may balita kamakailan na nagwala diumano si Tom sa taping ng Don’t Lose The Money. Umatake raw that time ang sakit ng aktor kaya pati ang staff ng show ay napagbuntunan niya ng kanyang sumpong.

Dinenay na ito ni Tom nu’ng huli namin siyang mainterbyu. Ayon naman kay Carla, “Sa pagkakakilala ko sa kanya the past year, iisa lang ang mood ni Tom Rodriguez, energetic, my goodness! Makulit kahit 2 a.m.  na.

“Siya ang life of the party, siya ang nagbibigay ng sigla, at tawa, at lakas sa lahat ng tao. So he has been the same. Kung hindi man siya, kumbaga on-cam, the energetic Tom Rodriguez that he is, he is just absorbed in his laptop na nag-i-sketch. Yun lang ang mood na alam ko sa kanya, na pagkakakilala ko sa kanya,” chika pa ng aktres.

Okay din daw si Tom para sa kanyang amang si Rey “PJ” Abellana, taliwas sa mga chika na hindi ito boto sa binata, “They’re good, no worries, no doubts. Hindi ko kailangan pagsabihan si Tom o i-sugarcoat how he is. Confident naman ako na mabait siyang tao and then magugustuhan ng daddy ko. Mabait siya. He’s very energetic. Napaka-down-to-earth, so sana daw mas makilala pa niya si Tom outside of work.”

So, sila na ba talaga ni Tom ngayon? “Medyo nagbago na yung level kesa dati, pero nothing official yet. Ngayon, puro work, but ‘yon, one time sa ospital, sinamahaman ko siya. Do you consider that a date, hospital date? Pero ngayon, 99 percent, work talaga.

“Kahit tapos na mga teleserye at movies, puro work pa din, work pa rin ang nagsasama sa ‘ming dalawa. Pero ngayon, naghihintay lang kami ng opportunity, ng free days  na mabigay sa amin, o common day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi kunwari may free day siya, hindi naman ako puwede, or vice versa. So, yun ang hinihintay namin, sasaluhin namin kay God na bigyan kami ng free days na makapag-date talaga. And get to know each other outside of work,” sey pa ni Carla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending