Angel Aquino 3 beses nang inalok ng kasal, pero tinanggihan lahat | Bandera

Angel Aquino 3 beses nang inalok ng kasal, pero tinanggihan lahat

Ervin Santiago |November 20,2014
facebook
share this

Angel Aquino 3 beses nang inalok ng kasal, pero tinanggihan lahat

Ervin Santiago - November 20, 2014 - 03:00 AM

angel aquino
TATLONG beses na palang may nagyaya ng kasal kay Angel Aquino, pero tatlong beses din daw niyang tinanggihan ang mga ito. Marami-rami na ring nakarelasyon ang award-winning actress, isa na nga riyan ang TV host-actor na si Lui Villaruz, pero sabi ni Angel, nagkaroon pa siya ng tatlong boyfriend after nilang maghiwalay ni Lui.

Hindi mga taga-showbiz ang huling tatlong BF niya kaya hindi ito nababalita. Sa interview kay Angel sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bagito na pinagbibidahan nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz, kasama si Ariel Rivera, natanong siya kung bakit tila wala siyang swerte sa lovelife?

“Well, ano nga ba? Kasi siguro sa pag-ibig, hindi ako masyadong matalino? May pagka-gullible ako sa ganyan. So, hopefully, hindi yun makuha ng mga anak ko sa akin.

“Nakikita ko naman the way, especially my panganay, sa falling in love, nakikita ko naman na mas maganda yung wisdom niya, mas wise siya.

Siguro she’s trying to mirror sa mga experiences ko and I always tell her, ‘Don’t be like your mom,’” esplika ni Angel na gumaganap na mapagmahal na nanay ni Nash sa Bagito na nagsimula nang umere noong Lunes bago mag-TV Patrol.

Inamin naman ng TV host-actress na siya rin ang may kasalanan kung bakit hindi tumatagal ang kanyang relasyon sa mga naging dyowa niya, “I think it’s me, that’s the problem.

More than me than yung mga karelasyon ko. Ngayon, I realized na hindi pa… hindi talaga ako ready. “I think, one or three had already asked, ‘Let’s settle down.’ Pero ako yung, ‘I cannot imagine building a home with you, with my kids.’ I think I really have to prepare for that, na dapat alam ko na when I get into a relationship, I should be ready for that,” paliwanag pa ni Angel.

Speaking of Bagito, lutang na lutang agad ang performance ni Angel sa nasabing teleserye ng ABS-CBN bilang nanay ni Nash  na nakabuntis sa edad na 14. Hindi glamorosa ang karakter niya rito tulad ng mga ginagampanan niya sa soap ng Dos.

Pero sabi nga ng mga entertainment writer na nakapanood na ng pilot week ng serye, nabigyan pa rin niya ng hustisya ang role kahit na nasabay na tayo sa mga kontrabida role at sosyal na mga karakter na ginampanan niya.

At in fairness, unang linggo pa lang ng Bagito ng Dreamscape Entertainment pero humahataw na agad ito sa ratings game. Sa katunayan, waging-wagi ang pilot episode nila noong Lunes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending