Juday parang laging may rebolusyon kung mamalengke | Bandera

Juday parang laging may rebolusyon kung mamalengke

Cristy Fermin |November 20,2014
facebook
share this

Juday parang laging may rebolusyon kung mamalengke

Cristy Fermin - November 20, 2014 - 03:00 AM

judy ann santos
Madalas makita ng aming mga kaibigan si Judy Ann Santos na namimili sa isang tiyangge-palengke sa Makati. Kasama ni Juday ang kanyang mga anak, may dala na silang trolley, dahil kung mamili raw ng mga pagkain si Juday ay parang laging may rebolusyon sa dami.

“Early morning pa lang, e, nasa Legaspi na si Juday. Ang sarap-sarap nilang tingnan ng mga anak niya, talagang kahit gaano siya ka-busy, napaka-hands on niya sa pag-aalaga kay Ryan (Agoncillo) at sa mga anak nila.

“Siya mismo ang namimili ng mga lulutuin niya, pati mga gulay, siya ang pumipili, pambahay talaga si Juday, siya mismo ang nag-aasikaso sa mga kailangan nila sa house, hindi niya ‘yun iniaasa lang sa mga kasambahay nila,” papuri ng aming kaibigan.

Sa lahat ng parte ng kanilang bahay ay mas madalas si Judy Ann sa kanilang kusina, tapos siya ng culinary, kaya siguradong ang mga pinamimili niyang sangkap sa pagluluto ay kailangang kumpleto.

Kahit nu’ng magkaroon siya ng restaurant ay personal niyang pinamamahalaan ang pagluluto basta meron siyang panahon, chef na chef na si Juday nu’n pa man, hilig niya talaga ang pagluluto.

Pagdating sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang pamilya ay panalong-panalo ang magaling na aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending