Echo, JM kinawawa sa Cinema One filmfest | Bandera

Echo, JM kinawawa sa Cinema One filmfest

Ambet Nabus |November 20,2014
facebook
share this

Echo, JM kinawawa sa Cinema One filmfest

Ambet Nabus - November 20, 2014 - 03:00 AM

jericho rosalae
AGAD na nalaman ni Angelica Panganiban na siya ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lang na Cinema One Originals Film Festival kaya naman bonggang-bongga ang pasasalamat na nai-post nito sa kanyang social media account.

“Naging beybi ko ang pelikula,” bahagi ng mensahe ni Angelica dahil halos iprisinta pala niya ang sarili para siya ang gumanap bilang si Mace sa entry na “A Thing Called Tadhana.”

Isang babaeng tatanga-tanga at hibang sa konsepto ng pag-ibig ang pagkakalarawan ni Angelica sa kanyang role, kung saan nakasama nga niya bilang leading man si JM de Guzman bilang si Anthony.

Tinalo ni Angelica ang mga present during the awarding rites na sina Shamaine Buencamino at Mimi Juareza. Matipid sa pagbibigay ng nominasyon ang Cinema One dahil sa bawat kategorya ay may tig-tatatlong nominees lang, kaya marahil naligwak ang mga mainstream actors na sina JM at Jericho Rosales sa kanilang mga respective movies for best actor category.

Nasa America pa si Angelica kasama si John Lloyd Cruz at inaasahang sa kanilang pagbabalik ay bonggang mga projects ang nakatakda nilang gawin though JLC has yet to renegotiate for his contract sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending