SARAH kinokontra na ang paghihigpit ng ina | Bandera

SARAH kinokontra na ang paghihigpit ng ina

|March 31,2012
facebook
share this

SARAH kinokontra na ang paghihigpit ng ina

- March 31, 2012 - 02:49 PM

Pwede nang gumimik sa gabi nang walang bodyguard

MEDYO may kaunting freedom na pala ngayon si Sarah Geronimo pagdating sa kanyang personal life.

Kung noon kasi ay lagi siyang bantay-sarado ng  kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin, ngayon ay medyo may kalayaan na ang singer-actress.

Nakukuha na nitong lumabas-labas with some friends nang hindi na siya sinasamahan ng kanyang madir o ng kanyang fadir.

Of age na naman si Sarah kaya naman she can very well do things that please her.

Past 20 na naman kasi siya kaya dapat naman sigurong magkaroon na rin siya ng freedom to enjoy life.

Isa pa, she’s the one earning for her family tapos siya pa ang paghihigpitan.

Actually, nasulat na namin a few issues back na medyo may guts na si Sarah na kontrahin ang mga kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Natuto na siyang mangatwiran, bagay na tiyak ikinagulat ni Mommy Divine.

Very obedient kasing bata si Sarah noon.

Yes Mama’s girl nga ang kanyang drama, ‘di ba?

Maging sa kanyang kinikita ay very aware na rin si Sarah.

Gusto nga raw niyang malaman ang kanyang worth.

Inaalam na raw nito kung magkano ang kanyang kita sa bawat proyekto niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At karapatan naman niya ‘yun bilang siya naman talaga ng bumubuhay sa kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending