‘Hari ng sinungaling’ | Bandera

‘Hari ng sinungaling’

Ramon Tulfo - November 13, 2014 - 03:00 AM

NADUWAG si Vice President Jojo Binay sa pakikipagdebate kay Sen. Antonio Trillanes IV na nai-set sa Nob. 27, na siya mismo ang naghamon.

Pero hindi na kataka-taka sa mga taong marunong makiramdam na siya’y aatras nang palaging inuulit ng kanyang mga tagapagsalita na walang mahihita sa debate.

Hinihintay pa naman ng taumbayan na marinig ang panig ni Binay tungkol sa mga akusasyon na siya at ang kanyang pamilya ay mga corrupt at nagkamal ng limpak-limpak na salapi sa pagpapatakbo ng Makati City.

Nawalan ng respeto ang taumbayan kay Binay na may imaheng mala-Rambo, isang movie character na lumalaban at lumilipol ng kanyang mga kalaban na siya lang mag-isa.

In short, pinalalabas ni Binay na siya’y “atapang atao” at alang takot sa barilan, espadahan at kainan.

Kung pag-uusapan ay galing ng argumento, talo si Trillanes kay Binay na nagtapos sa University of the Philippines College of Law at human rights lawyer na bihasa sa courtroom battles.

Si Trillanes ay isang military officer na sumikat lang dahil sa Oakwood Mutiny.

Si Trillanes ay isang unano laban kay Binay na isang legal giant.

Pero kahit gaano kagaling si Binay sa argumento, lalabas ang katotohanan na siya at ang kanyang pamilya ay nangulimbat ng yaman ng Makati City Hall bilang mayor one after another: Si Jojo, ang kanyang asawa na si Dra. Elenita at ang kanilang anak na si Junjun na ngayon ay mayor.

Nagsimula ang kanilang kawalanghiyaan sa Makati noong tumuntong si Jojo bilang acting mayor noong 1986.

Muntik akong mahulog sa aking upuan nang mabasa ko sa hapag almusalan ang pagtatawa ni Binay sa mga nagsasabi na tapos na ang kanyang political career dahil sa lantad na ang pagiging sugapa sa salapi ng kanyang pamilya.

“Napakalaki ng lamang ko. Never in the history na may ganu’n, hindi naman ganu’n kaagad ang lamang,” sinabi ni Binay sa mga reporters.

Talagang sigurado na si Binay na siya ang magiging Pangulo sa 2016.

Kahit na malinggit itong si Binay, sinlaki ng Makati City Hall Building 2 ang kanyang kahambugan.

Sinulatan ako ni Binay at ginamit ang kanyang official letterhead: Republic of the Philippines , Office of the Vice President.

Ito ang nakasaad sa kanyang sulat:

“I read your column, “What transpired during Aquino-Binay meeting” in yesterday’s issue of the Inquirer, and I wish to clarify some of the points you alleged.

“Whoever your supposed source is inside the Palace is wrong when he or she said that I was made to wait for two and a half hours by the President. This is not true at all.

“Second I did not meet with the President to request that he stop the Senate investigation into the supposed overpricing of the Makati City Hall Building 2.

“My meeting with the President was purely a meeting between old friends. We did not discuss anything political.

“I hope that in the future you would use ‘little birdies’ that are more reliable.”

Pati ba naman sa akin ay nagsisinungaling itong si Binay.

Paano niyang sasabihin na hindi siya pumunta ng Malakanyang upang hingin kay Pangulong Noynoy na ipatigil ang imbestigasyon sa Senado samantalang si P-Noy na mismo ang nagsabi sa mga reporters na hiniling ni Binay sa kanya na itigil ang imbestigasyon?

Mr. Vice President, ang aking mga espiya sa Palasyo—yung mga tinatawag ko na “little birdies”—ay mas kapani-paniwala sa kanilang mga sinasabi sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahirap paniwalaan ang Hari ng mga Sinungaling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending