RAYVER baliw na baliw, umaasa pa ring babalikan ni CRISTINE | Bandera

RAYVER baliw na baliw, umaasa pa ring babalikan ni CRISTINE

|March 30,2012
facebook
share this

RAYVER baliw na baliw, umaasa pa ring babalikan ni CRISTINE

- March 30, 2012 - 03:08 PM

Kaya raw nagsinungaling sa mga reporter

IBA’T IBA ang lumalabas regarding the break-up nina Rayver Cruz and Cristine Reyes – may nagsasabing totoong hiwalay na ang dalawa pero ito namang si Rayver ay nagpainterbyu pa kuno saying na okay daw sila ni Cristine.

Kaya the more na nalilito ang mga tao kung ano talaga ang totoo.

Pero pinaninindigan ng very reliable source kong totoong hiwalay na talaga ang dalawa at kaya nagpakiyeme nang ganoon si Rayver before he left for the States dahil umaasa pa raw itong magbabago ng isip ng kanyang ex-girlfriend.

Sobrang na-in love daw kais itong si Rayver kay Cristine kaya siya ang pinaka-affected sa paghihiwalay nila ni Cristine.

In fact, someone whispered to us na napapadalas ang paglalasing daw ni Rayver dahil dito. Kawawang bata, di ba?

“Paeklat na lang ni Rayver yung lumabas na interview niya sa TV Patrol na okay sila ni Cristine, na hindi totoong hiwalay na sila.

Nag-iilusyon na lang ang batang iyan na sila pa para hindi siya lalong masaktan.

Ganoon naman iyon, di ba? In denial kumbaga siya dahil baka pagbalik nga naman niya ay maging sila pa rin.

“Ilang beses na naman daw silang nagkatampuhan at nauuwi pa rin sa magandang pag-uunawaan tuwing nagkakabati sila.

Ganoon lang siguro iyon. Pero maniwala ka sa akin, wala na talaga sila,” anang source natin.

Mabait lang talagang lalaki si Rayver – super-gentleman kaya ayaw magsalita ng anything against his former love.

Hindi naman kasi maganda ‘yung ganu’n.

Ganyan dapat ang mga lalaki – hindi baleng mag-deny basta huwag lang makainsulto ng babae.

Pero believe me, wala na talaga sila ni Cristine. My source swears to high heavens and I believe him. Mwah!

Ang tanong na lang kung ano ang magiging pahayag ni Cristine sa mga naglalabasang chika na dahil daw kay Piolo Pascual kaya sila naghiwalay ni Rayver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, isa lang itong malaking gimik para sa teleserye nilang Dahil Sa Pag-Ibig?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending