Alden Richerds hinog sa pilit, malayong pumalit kay Dingdong
ILANG beses ko na ring na-meet itong si Alden Richards and in fairness sa batang ito, he is pleasant naman. Hindi mahirap mahalin pero parang there’s something lacking for this young man to become a real big star.
Parang so-so lang kumbaga – not bad pero not really a star material. Napapanood ko siya once in a while sa ilang TV shows sa GMA 7 at marunong namang umarte pero kulang lang talaga sa spank.
Iyan siguro ang dahilan kung bakit hindi ito masyadong makaalagwa sa kaniyang career. Sikat na siya pero marami akong naririnig na reaksiyon na parang hinog sa pilit.
“Wala na bang potential male stars sa GMA at parang puro na lang si Alden ang binibigyan nila ng malalaking papel sa mga serye nila? Or baka may kapit iyan sa loob kaya kahit hindi bagay sa kaniya ang material ay sa kaniyang ibinibigay.
He cannot be another Dingdong Dantes – not that soon,” sabi ng aming kausap. Maybe in time, kasi nga, guwapo siya, yes, pero guwapong pangdyowa – hindi pang-superstar.
Tingnan mo nga ang mga palabas niya – yung hinu-host niyang talent search with Regine Velasuqez – yung may Bet Ng Bayan – mahina sa ratings.
Then ito namang Ilustrado niya tungkol sa buhay ni Rizal, mahina rin. Hindi makaangat-angat. Dapat ma-realize ng GMA 7 na hindi pa hinog si Alden Richards sa big roles like that.
Hasain pa nila nang husto – pasikatin muna nila nang todo si Alden – pilit kasi ang pagsikat niya eh,” talak ng isang kakilala naming badingding.
I don’t want to argue with my friend pero sinabihan ko siya to be kinder naman to Alden. Hindi naman niya kasalanan kung sa kaniya ibinibigay ng Siyete ang malalaking projects – kasi nga, baka professional ang bata at nakitaan nila ng promise.
Kung hindi lang nag-work for now, eh ganoon talaga. It happens to the biggest of stars – yung hindi masyadong kinakagat minsan ang mga palabas nila. Maybe wrong project lang for him or whatever.
Pero huwag namang isisi kay Alden ang lahat-lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.