Jimmy, Kring grand couple ng I Do; libreng kasalan wala nang urungan | Bandera

Jimmy, Kring grand couple ng I Do; libreng kasalan wala nang urungan

Ervin Santiago - November 10, 2014 - 03:00 AM

jimmy and kring

TULAD ng inaasahan ng marami, ang Koreanong si Jimmy at ang Pinay na si Kring ang tinanghal na grand couple sa reality show ng ABS-CBN na I Do hosted by Judy Ann Santos.

Sila ang nakakuha ng 56.8 percent ng text at online votes mula sa televiewers ng I Do matapos dumaan sa napakaraming challenges sa loob ng I Do village.

Napaiyak si Kring habang abot-tenga naman ang smile ni Jimmy nang tawagin na ang mga pangalan nila bilang grand winner sa kumpetisyon.

At dahil diyan, sila rin ang magwawagi ng wedding/honeymoon package, Asian tour, P1 million, house and lot, at negosyo package. Ang kanilang kasal ay ipapalabas sa ABS-CBN sa Nov. 15.

Ang neighbors-turned-lovers naman na sina Chad at Sheela ang runner-up ng competition sa final ceremony ng programa na napanood noong Sabado ng gabi.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga manonood sa ginawang opening number ni Juday kasama ang mga kaibigang sina Rica Peralejo-Bonifacio at Jolina Magdangal-Escueta.

Nag-perform ang tatlo with the song “Kapag Tumibok ang Puso” ni Donna Cruz at “Sa Iyo” ni Sarah Geronimo. After ng kanilang production number, tinanong ni Juday sina Rica at Jolina kung anong advice nila sa mga I Do couples at iba pang mag-asawa, sey ni Rica, “Huwag niyong hahayaang mamatay ang kilig.”

“Lahat ng marriage is a work in progress,” ang payo naman ni Jolens. Samantala, bago pala ang finale episode ng I Do, nag-propose na si Chad kay Sheela, pagkalabas ng I Do village ay pinuntahan na ng binata ang mga magulang ni Sheela para hingin ang blessing ng mga ito.

Ang plano ni Chad, kunin ang serbisyo ni Sheela para gumawa ng desserts sa isang mock 18th birthday party. Pero biglang umulan nang malakas kaya naudlot ang pagseset-up ng mga gamit, hindi lang para sa party kundi pati na rin sa proposal ni Chad.

Pero sa kabila nito, itinuloy pa rin ng binata ang plano,”Di importante yun setup, ang importante yung pagpopropose ko sa kanya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending