Karla Estrada ilusyunada, di na binigyan ng kahihiyan si Daniel | Bandera

Karla Estrada ilusyunada, di na binigyan ng kahihiyan si Daniel

Cristy Fermin |November 09,2014
facebook
share this

Karla Estrada ilusyunada, di na binigyan ng kahihiyan si Daniel

Cristy Fermin - November 09, 2014 - 03:00 AM

karla estrada
Matinding pagpuna ang natitikman ngayon ni Karla Estrada dahil sa ginawa niyang pag-o-audition sa The Voice pero hindi naman siya nakapasa sa panlasa ng mga hurado.

Ano pa raw ba naman kasi ang kailangan pang gawin ni Karla, samantalang number one heartthrob na nga ang anak niyang si Daniel Padilla, gusto pa raw ba niyang makipagsabayan sa anak niyang sikat na sikat ngayon?

Komento ng isang nakausap namin, “Ito naman kasing si Karla, lukring din ang isang ito, e! Ni hindi man lang niya binigyan ng kahihiyan ang anak niya!

“Sumali-sali pa siya sa audition, ano tuloy ang napala niya? Ayun, hindi siya pumasa, nakakahiya ‘yun para sa anak niya! Asikasuhin na lang kasi niya si Daniel, tantanan na niya ang pagsali sa mga talent search,” payo ng aming kausap.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang ina ni Daniel Padilla ay mahusay kumanta, nakuha ni Daniel ang talento ng kanyang mommy at ang pag-arte naman sa ama nitong si Rommel Padilla.

Pero para wala nang nasasabi pa laban kay Karla ang ating mga kababayan ay mas maganda nga sigurong asikasuhin niya na lang muna ang kanyang mga anak na nangangailangan ng kanyang atensiyon.

Para hindi na siya nasasabihang ilusyunada na nakikipagsabayan pa sa anak niya, para tahimik na rin ang kanilang mundo, para wala nang sinasagut-sagot pang mga isyu si DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending