SUPORTADO raw si Vice President Jojo Binay ng mga taga Metro Manila, ayon sa isang survey.
Ang survey ay isinagawa ng Nono Trends PH.
Baka fly-by-night o sampay bakod ang survey firm na yan.
Pinalalabas ng resulta ng survey na mga estupido ang mga botante sa buong Metro Manila.
Kapani-paniwala sana ang survey kapag ang area covered ay Makati lamang dahil maraming mga naki-kinabang na mahihirap na taga-Makati sa nakaw ng mga Binay sa Makati City Hall.
Pero imposible kung buong Metro Manila ang nilakip ng survey.
Nangunguna raw si Binay sa Metro Manila , ayon sa Nono Trends PH.
Ang mga sumusunod sa kanya ay si Pangulong Noynoy, Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Baka naman pag-aari ni Binay ang Nono Trends PH. Never heard ang survey firm na ito.
Hindi na naman dumalo ng hearing sa Senado si Binay kahit na ang nag-imbita sa kanya ay ang mother Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. TG Guingona.
Ang Blue Ribbon Committee ay “nanay” ng blue ribbon subcommittee na nag-iimbestiga kay Binay tungkol sa mga alegasyon na siya’y nangurakot sa kaban ng bayan noong siya’y mayor pa ng Makati City .
Sinasabi ni Binay na siya’y hinusgahan na ng mga miyembro ng blue ribbon subcommittee.
Kapag daw inimbitahan siya ng Blue Ribbon Committee siya’y dadalo.
Pero hindi siya sumipot sa imbitasyon ng Blue Ribbon Committee.
Ang kanyang katwiran ay nasa Cebu siya at dumadalo ng event ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) kung saan siya’y president nang matagal na panahon.
Puwede namang magpadala ng representative si Binay sa event ng BSP dahil di naman importante ang okasyon na yun kumpara sa imbitasyon ng Blue Ribbon Committee.
Ang sabihin mo, Binay, hindi ka dumalo sa Blue Ribbon Committee hearing kahit na ipinangako mong dadalo ka dahil ayaw mong mabuking.
Mabubuking si Binay na siya’y nagsisinungaling na hindi siya nangurakot sa Makati City Hall .
Mahirap kasi ang mag-imbento ng kasinungalingan sa publiko dahil halos lahat ng bansa ay nakamasid sa TV live coverage.
Dahil nang-indiyan si Binay sa Blue Ribbon Committee, malamang ay hindi rin matutuloy ang debate nila ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Si Binay mismo ang naghamon kay Trillanes at tinanggap naman ng huli ang hamon.
Pero marami nang palusot si Binay sa pamamagitan ng kanyang mga tagapagsalita: Kesyo wala naman daw mahihita sa debate, kesyo sinungaling daw si Trillanes.
Eh, kung ayaw niyang makipag-debate kay Trillanes, bakit siya naghamon?
Again, isa lang ang dahilan: Mabubuking siya sa kanyang kasinungalingan.
Gugunitain ngayong araw ang kalupitan ng bag-yong “Yolanda” na bumugbog sa Eastern Visayas noong Nov. 8, 2013.
Ang masyadong nabugbog ni Yolanda ay ang Tacloban City at mga karatig bayan ng Palo at Tanauan.
Maraming namatay sa hagupit ng pinakamalakas na bagyo on record.
Mga 20,000 ang namatay at ilan pa ang missing.
Pero sinasabi ng Malakanyang na 6,000 “plus” lang ang mga nasawi.
Masyadong sensitive ang Malakanyang sa figures ng casualties sa Yolanda.
Si Supt. Elmer Soria, police regional director ng Eastern Visayas , ay natanggal sa kanyang puwesto nang sabihin niyang mga 10,000 ang nasawi during the first few days of the counting of fatalities.
Hindi malaman ang dahilan kung bakit ayaw ni Pangulong Noy na lumagpas ng 6,000 ang bilang ng mga nasawi sa Yolanda.
Ang grupo ng Isumbong mo kay Tulfo at mga doktor ng Sagipbayan ng St. Luke’s Medical Center ang unang non-government organizations (NGO) ang nakarating sa Tacloban City upang tumulong sa mga biktima.
Ang medical mission ng “Tulfo” at Sagipbayan ay dumating sa Tacloban City tatlong araw matapos bugbugin ng Yolanda ang siyudad.
Hindi namin makakalimutan ang nakita namin habang kami’y nabubuhay.
Nakarating kami sa Tacloban City sa kabutihang-loob ni Ramon Ang, president at CEO ng conglomerate San Miguel Corp. at ng Philippine Airlines.
Nagpadala si Ang ng propeller-driven plane sa Tacloban at naisali ang
aming grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.