Maxene Magalona gaganap na nurse-rapper sa MMK | Bandera

Maxene Magalona gaganap na nurse-rapper sa MMK

Ervin Santiago - November 06, 2014 - 03:00 AM

maxene magalona
Nurse-rapper ang karakter na bibigyang buhay ni Maxene Magalona sa kanyang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya episode sa ABS-CBN na mapapanood ngayong Sabado ng gabi.

Gaganap si Maxene bilang si Fatima Palma na sumikat kamakailan sa Internet dahil sa isang video kung saan makikita siyang kumakanta at nagra-rap para sa kanyang pasyente sa ospital.

“Panoorin niyo kung paano nagagawang pasayahin ni Fatima ang kanyang mga pasyente sa pamamagitan nang pag-awit at pag-rap sa kabila ng kanyang paghihirap at pagod sa araw-araw niyang trabaho sa ospital.

Para sa akin, isa siyang bayani kaya malaking karangalan na ako ang napili na gumanap sa kanya,” pahayag ni Maxene kaugnay ng kakaibang pag-aalaga at pagpapasayang idinudulot sa ibang tao ng karakter niyang si Fatima.

Kasama ni Maxene sa kanyang unang MMK episode sina Bembol Roco, Shamaine Buencamino, Kathleen Hermosa, Joseph Bitangcol, Jon Lucas, Francis Magundayao, Rochelle Barrameda, Ana Roces, Via Veloso, Gileth Sandico at Rusty Salazar.

Ito ay sa direksyon ni Raz dela Torre at panulat nina Arah Jell Badayos and Benjamin Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang MMK na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending