NGAYONG araw ang alis ni Rayver Cruz kasama ang ilang Star Magic talents para sa series of shows sa Amerika na may titulong “Teleserye Bida”.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbibigay ng pahayag tungkol sa paghihiwalay nila ni Cristine Reyes.
Nabanggit daw ni Alex Gonzaga sa isang kaibigan na sinabi raw sa kanya ni Rayver nu’ng tinanong niya kung totoong “wala” na sila ni Cristine at sumagot daw ang aktor ng, “Hindi totoong hiwalay na kami.”
Kaagad naming tinanong ang source namin sa paghihiwalay nina Rayver at AA tungkol sa sinabi ni Alex.
“Oo magkakasama nga sina Rodjun (Cruz), Dianne Medina, Rayver at Alex kailan lang, natanong nga.
Hindi sinabi ni Rayver ang totoo, kasi alam niyang madaldal si Alex at saka nilaglag na siya before ni Alex kaya paano mo pagkakatiwalaan?” mensahe sa amin.
Maging ang magdyowang Rodjun at Dianne ay hindi rin nagkukuwento sa tunay na score nina Rayver at Cristine dahil labas naman daw sila sa isyu.
Going back to Rayver ay binanggit din sa amin ang isyung naglalasing siya ngayon dahil sa paghihiwalay nila ni AA na hindi raw totoo, “Hindi umiinom si Rayver, baka lasing sa gym at paglalaro ng basketball, ‘yan ang araw-araw. Ha-hahaha!” say sa amin.
Samantala, tinutulungan naman ni Rayver ang sarili na makalimutan si AA dahil excited siyang umalis ngayon para sa series of shows nila sa US at balita rin namin talaga raw ie-enjoy ng binata ang lakad nilang ito ng mga kasama niya. Hmmmm, ano kayang ibig sabihin nito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.