May mga nagpaparating sa amin chika na parang yumabang na at natuto nang magmaldita si Toni Gonzaga.
Pero hindi naman nila maidetalye sa amin kung bakit nila nasabing lumaki na ang ulo ng TV host-actress-singer.
Kaya sure kaming puro paninira lang ang mga ibinabato nilang akusasyon kay Toni at naniniwala kami na hindi pa rin pinagbabago ng kasikatan at kayamanan ang Ultimate Multimedia Star.
Actually, mismong si Toni ang nagsabi na malaki ang nagagawa ng kanyang pamilya para hindi siya lamunin ng sistema sa showbiz.
Lagi pa rin daw nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa.
“Diyan naman malaking tulong ang pamilya ko, malaking tulong ang nanay at tatay ko at saka yung kapatid ko, they keep me grounded.
Pag umuuwi ako sa bahay hindi ako artista, anak ako, kapatid ako, kamag-anak ako ng mga relatives ko.
Walang special treatment so meron na akong hiwalay na buhay sa industriya at meron akong personal na buhay na alam kong yun ang totoo.
“Kasi itong nangyayari lahat, trabaho ito para sa akin and I get to enjoy it.
So pag-uwi ko hiwalay na yun,” paliwanag ni Toni na super happy sa napakataas na ratings na nakukuha ng kanyang month-long stint sa Wansapanatayn ng ABS tuwing Sabado ng gabi.
At kahit super busy, Toni makes sure na may time pa rin siya sa kanyang sarili at sa kanyang family, “Siyempre hindi mawawala yun.
Meron kami talagang panahon na mag-di-dinner kami, aalis kaming pamilya.
Kasi masarap kausap yung pamilya mo, eh.
“Kasi sila yung talaga totoo sa ‘yo eh.
Sasabihin nila kung medyo pangit ka du’n sa ganitong area ng buhay mo, yung ginawa mo or yung project mo. Mas totoo kasi pag pamilya mo ang kausap mo,” say pa ni Toni Gonzaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.