Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, lalong aangat ang kabuhayan kung dodoblehin ang puhunan at bibilisan ang pagkilos. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang kapaskuhan ay lalo namang sasarap at iinit ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Silver at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Upang magtuloy-tuloy ang pagdating ng magandang kapalaran ay baguhin ang ayos ng silid. Iharap sa silangan ang altar at ang kamang nakadikit sa dingding ay ilayo ng limang pulgada. Mas mainam din kung sa silangan uulo sa pagtulog. Mapalad ang 3, 12, 27, 34, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Red at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Pagkain ang susi upang lumigaya! Yayain sa isang romantikong restaurant ang kasuyo upang uminit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, ngayon pa lang ay paghandaan na ang mga lulutuin sa Pasko para makatipid. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Pink at peach ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, kung ano ang hawak ay pagkasyahin mo na lang at wag na wag kang mangungutang. Sa pag-ibig, hindi dapat paghinalaan nang hindi maganda ang kasuyo, masisira lang ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 26, 29, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam.” Silver at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag kang susunod sa sulsol ng iba. Sa sarili mong diskarte, mas malaki ang kikitaing pera. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong sundin – ang sulsol ng kasuyong Capricorn! Mapalad ang 2, 16, 25, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Padme-Om.” Green at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Mabubulilyaso ang transaksyon dahil sa init ng ulo. Ugaling maging mahinahon. Sa pag-ibig, sa sandaling bulyawan mo na naman ang kasuyo, grabeng tampuhan ang magaganap. Mapalad ang 8, 10, 28, 31, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Nakiel, Kedemel, Hagiel.” Purple at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag masyadong magkuripot. Okey lang gumastos kung ang kalusugan naman ang mabibigyang benepisyo. Sa pag-ibig at romansa, habang pinapasigla ang iyong kalusugan ay mas lalong mag-iibayo ang iyong performance. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Dhipana-Om.” Red at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Ikaw ay timbangan. Timbanging mabuti ang mga pangyayari! Sa anumang desisyong gagawin, kailangang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang suhestyon ng kasuyong upang lalong uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat magmatigas, tularan ang kawayan, hinahapay ng hangin kung saan-saan ngunit hindi nababali at hindi rin nabubuwal. Ganoon din sa pag-ibig at pinansyal, sumakay ka lang nang sumakay sa gusto ng iba dahil yayaman ka at magiging maligaya. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dasa-Om-Sol.” Orange at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ngayon pa lang paghandaan mo na ang iyong karaawan, magtabi ng maraming pera para may panghanda. Talagang ganoon, magastos talagang mag-birthday pero ayos lang dahil indikasyon yon na mahaba pa ang buhay mo. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Green at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Wag kang umasa sa mga mahihina, wala silang silbi. Kung magpapatulong sa ibang tao, siguraduhin mong magaling at mapagkakatiwalaan ang iyong pipiliin. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyo, ikaw ang dapat niyang asahan. Mapalad ang 2, 5, 16, 27, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Gray at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Mawawala ang kalungkutan kung makikipagkuwentuhan sa isang Libra. Sa pinansyal, sumunod ka sa mungkahi ng kaibigang Virgo upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa isang Libra din matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Chandaya-Om.” Yellow at white ang buenas
Pisces – (February 19 – March 20)—Lakasan ang loob! Habang patuloy kang sumusugod, dagdag na salapi ang makakamit. Sa pag-ibig, agresibong diskarte ang dapat upang lalong sumarap ang pagmamahalan. Sa romansa, isipin mong wala nang bukas. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karaan-Om.” Red at orange ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.