Julian susunod sa mga yapak ni Erap; Iñigo mas magaling sumagot kay Piolo | Bandera

Julian susunod sa mga yapak ni Erap; Iñigo mas magaling sumagot kay Piolo

Julie Bonifacio - November 04, 2014 - 03:00 AM

julian ingo
NAUNA na naming naisulat dito mismo sa kolum namin sa BANDERA ang pag-amin ni Julian Estrada sa relasyon nila ni Julia Barretto months ago. Kaya hindi na bago para sa amin ang pronouncement niya sa presscon ng bago niyang pelikula na “Relaks, It’s Just Pag-ibig” ng Spring Films to be released by Star Cinema.

Nagwo-workshop that time si Julia habang naghihintay naman sa kanya si Julian sa labas noong makita namin. So, habang naghihintay si Julian, ininterbyu na namin siya at inamin ngang sila na.

Pero noong si Julia na ang tinanong ko, super tanggi siya na may relasyon sila ni Julian. Close friend lang daw niya ang binata. Pagkatapos noon ay ni-launch na si Julia sa Mirabella. Habang quiet lang ang career ni Julian.

Although during that time, nagsu-shoot na si Julian para sa movie nila nina Iñigo Pascual and Sofia Andres, ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig” sa direksyon ni Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

Ang lakas ng dating ni Julian sa trailer ng “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” May karakter at mukhang misteryoso ang appeal niya. But personally, mukha namang approachable si Julian.

Pero ‘yung pagkakaroon niya ng karakter on and off screen, may hawig sa lolo niya na si ex-President Joseph Estrada. Mukhang si Julian ang nagmana sa kanyang lolo Erap sa dynasty ng mga Ejercito sa showbiz, huh!

Malamang kung seseryosohin ni Julian ang pag-arte, ‘di malayong siya na talaga ang sumunod sa yapak ng kanyang lolo sa showbiz. “Katas ng Saudi” ang first movie ni Julian na pinagbidahan ng kanyang ama na si Sen. Jinggoy Estrada.
Showing ang “Relaks It’s Just Pag-ibig” on Nov. 12.

Dahil “itinakas” na ng road manager niya si Julian Estrada na gusto sana naming maintebryu, ang isa sa producers ng Spring Films na si Erickson Raymundo na lang ang kinausap namin.

Si Erickson din ang isa sa may-ari ng talent management na Cornerstone kung saan ang prime artist nila ay si Sam Milby.
Ang co-partner nila ni Piolo Pascual sa Spring Films na si Direk Joyce Bernal ang pumili kay Julian para sa role niya sa “Relaks, It’s Just Pagibig.”  Gusto raw ni Direk Joyce si Julian for the role. Pareho kami ng nakita ni Direk kay Julian tungkol sa kanyang look.

Habang magkatuwang naman sina Erick at Direk Joyce sa pagkumbinse kay Piolo na si kunin nilang bida sa pelikula si Iñigo.
“Nu’ng nagka-casting kami wala talaga kaming makuhang artista.  ‘Why don’t you let him do this? Maganda naman ang role niya.

Eto lang, tapos alis na siya,’ sabi namin kay Piolo. Ayun, pumayag siya,” lahad ni Erick. Pareho rin kami ni Direk Joyce na hindi magets ang pananaw ni Piolo na gagawa ng pelikula ang anak niya pero ‘di magpro-promote at magpa-interbyu.

Say namin kay Erick, sa sinabi na ‘yan ni Piolo lumalabas na wala siyang tiwala sa kakayahan ng kanyang anak. E, ngayon, kahusay-husay sumagot ni Iñigo sa mga interbyu.

Kasi nga pinag-aral naman siya ni Piolo sa ‘di basta-bastang eskwelahan and for sure, maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Piolo at ng ina nito.

Sabi nga namin kay Erick, mas mahusay pang sumagot si Iñigo kay Piolo kesa noong time na nagda-That’s Entertaiment pa lang siya at ginawa ang first movie niya na “Lagarista.”

And now, ‘di pa man naipapalabas ang “Relaks,” may follow-up movie agad ang bagets. How ironic lang kasi ang leading lady naman niya on his next film ay si Julia Barretto na ex-girlfriend ni Julian na kasama niya ngayon sa “Relaks.”

Supposedly, balik na sa US on Nov. 12 si Iñigo. Pero dahil may bagong movie, mage-extend siya rito. Nakapag-shoot na raw ng dalawang movie si Iñigo para doon sa movie nila ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At syempre, nakwento na sa amin ang role nila ni Julia sa movie pero ‘di  pa namin pwedeng isulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending