Paulo umamin na: Mahal ko naman talaga si KC! | Bandera

Paulo umamin na: Mahal ko naman talaga si KC!

Ervin Santiago - November 04, 2014 - 03:00 AM

paulo kc concepcion
KINUMPIRMA ni Paulo Avelino na nakilala na ng kanyang rumored girlfriend ang anak nila ni LJ Reyes na si Aki na kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang birthday.

Ayon sa Kapamilya leading man natutuwa siya dahil kahit paano’y na-meet na ni KC ang kanyang anak. Sey ni Paulo, “Yes, nag-meet pero short lang. Dumaan lang, pinakilala.

Mabilis lang. Somewhere, very casual lang. Si Aki naman friendly sa lahat so walang problema.” Kasabay nito, nag-post naman si Paulo ng picture sa Instagram kasama ang kanyang anak na may caption na: “To my little me, No matter what happens…

What you decide on… and who you become…I will forever be proud of you! Happy Birthday!” Tungkol naman sa tunay na estado ng relasyon nila ni KC, tulad ng lagi niyang sinasabi espesyal ang anak ni Sharon Cuneta sa buhay niya, “Like she (KC) said before, best friends muna.

Kumbaga natututo naman kaming pareho at pareho kaming nagtatrabaho sa ngayon, so doon na lang muna.” Nang tanungin kung mahal ba niya si KC, ito ang naging tugon ng binata, “Mahal mo naman lagi ang kaibigan mo kahit sinong kaibigan eh.”

Sa tingin ba niya okay lang kay Aki na magkaroon na siya ng bagong girlfriend? “Siguro si Aki ang makakasagot niyan,” natatawang sagot ng aktor.

Kung matatandaan, mismong si LJ Reyes na ang nagsabi na boto siya kay KC para kay Paulo at kung seryoso na nga ang tatay ng kanyang anak sa Kapamilya TV host-actress ay walang problema sa kanya.

She even described Mega’s daughter as, “isang matalinong babae at karespe-respeto po talaga. Mahilig din po siya sa bata.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending