KC nakakaawa, gamit na gamit daw ni Paulo | Bandera

KC nakakaawa, gamit na gamit daw ni Paulo

Cristy Fermin - November 04, 2014 - 03:00 AM

paulo avelno
Ewan, pero marami kaming walang anumang nararamdamang kahit ano sa sinasabing relasyon ngayon nina Paulo Avelino at KC Concepcion, parang napaka-trying hard ng kuwentong ito para sa aming lahat.

Sabi ni KC ay gusto raw niya ang aktor, maganda raw ang kanilang samahan, pero bakit parang wala namang dating ‘yun para sa marami?

Parang hindi rin nababagayan ang marami kay KC para kay Paulo, nakakapanghinayang daw ang anak ni Sharon Cuneta, dahil parang gamit na gamit sa relasyon daw nila ng aktor.

Sutil pang pagpansin ng isang source, “Ano ba naman ‘yun? Parang isang letter lang naman ang nabago sa sinasabing boyfriend ni KC sa pinanggalingan niyang relasyon na iniyakan niya nang super-todo!

“Piolo, Paulo, nakakaawa naman si KC. Super-gamit na gamit siya, makakita sana siya ng lalaking magmamahal talaga sa kanya at hindi ‘yung ganyan na kailangan lang siya para sa career!” madiing sabi ng aming impormante.

Hihintayin namin ang pagkakataong meron nang dating talaga ang sinasabing relasyon nina KC at Paulo, darating din naman siguro ‘yun kapag sila na talaga, hindi nila ‘yun maitatago sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending