Tatlong puntos vs katiwalian | Bandera

Tatlong puntos vs katiwalian

Arlyn Dela Cruz - November 04, 2014 - 03:00 AM

BIGYANG-PUWANG ninyo ang tatlong punto de bistang nais kong ibahagi sa inyo.
Unang punto: That the troubles now faced by Vice President Jejomar Binay stems from the fact that he has his eyes for the presidency by 2016 and if the surveys are to be taken with complete credibility, in spite of the slide in ratings, chances are he may just be the next president of the Republic.
Kung sasabihin ba ni Binay na nagbabago na ang kanyang isip at hindi na siya tatakbo sa panguluhan sa 2016, sa isang iglap ba ay mawawala ang kanyang mga kinakaharap na mga alegasyon ng katiwalian at tagong yaman?
Kung uurong naman si Binay ngayon pa lamang, para na rin niyang inamin na totoo nga ang lahat nang  ibinibintang sa kanya.
Sa ganang akin, lalong nagkaroon ng dahilan si Binay para ituloy ang kanyang ambisyong ma-ging susunod na pangulo para maipakita o ipakita na ang lahat ng ito’y pulitika lamang.
Gaya ng marami hinihintay ko na sasagutin ni Binay punto por punto ang mga akusasyon laban sa kanya, lalo na yaong mga kayang patunayan at pasubalian ng mga dokumento.
Wala namang naniniwalang hindi pulitika ang dahilan ng mga akusasyon laban sa kanya pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi niya sagutin ang mga ipinupukol sa kanyang akusasyon.
Minsan sinabi ng ikalawang pangulo, “I am the Vice President of the Republic of the Philippines.” Oh yes he is, kaya naghihintay nang mas malinaw na paliwanag ang taumbayan hindi dahil sa naniniwala sila sa troika nina Trillanes, Pimentel at Cayetano kundi dahil sa siya’y ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
Ikalawang punto: That there appears to be a scarcity of elected officials with true visions and good intentions for the country is becoming for a fact that a perception with the very limited names that are being drummed up as the next president of the country.
Ok, hindi si Binay, hindi pa tumatakbong pangulo, hindi pa nga nananalo, ang dami ng isyu, so si Mar Roxas na?
Dalawang pangalan lang ba talaga? May susulpot na pangalan, pero baka mga pangalan din na dati nang nakapag-iwan ng lamat sa tiwala ng taumbayan?
To be fair may mga nagtangkang tayo’y pamunuan, ngunit kulang sila sa makinarya, wala silang matatag na partido, kapos sa pamamaraan para maiboto
Ikatlong puntos: That there is no real campaign against corrupt public and elected officials in the country.
Hindi sample ang kailangan. Hindi nagtatapos sa paghahabol kina Enrile, Estrada at Revilla. Mahaba ang listahan ni Janet Lim Napoles. Mapapatunayan ang tunay na kampanya laban sa katiwalian kung lalawakan ang pagsipat, lalaliman ang paghalukay at gagawing ganap ang pagsusuyod sa mga tiwali —hindi lang sa mga taga oposisyon kundi maging sa mga kaalyado ng administrasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending