Horoscope, November 04, 2014 | Bandera

Horoscope, November 04, 2014

Madam Sophia - November 04, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung alam mong nasa panig ka ng tama ipaglaban mo! Kung mali ang ginawa niya, hindi ka dapat matakot na komontra. Sa pag-ibig, mamayang gabi kakaibang sarap ang ipapadama sa iyo ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 8, 23, 30, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.   

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal, sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, pagkakakitaan mo sila. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Libra, masarap siyang romomansa kaysa sa iba. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Mukhang napapabayaan mo na ang iyong itsura! Ituloy ang dating pagpapaganda, upang magtuloy-tuloy din ang suiwerte at magandang kapalaran. Tandaang “ganda” ang susi ng iyong tagumpay at wagas na ligaya. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Bukod sa pula mapalad din ang green.

Gemini – (May 21-June 21)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong mag-bayad ng utang. Sa pag-ibig, mag-ipon ng maraming pera para sa muli nyong “pagde-date” ng kasuyong sinisinta. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tanging tadhana ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay! Ngunit  hindi dapat malungkot, may isang Virgo na naghihintay sayo, wag ka ng umarte-arte pa  – sunggab agad ang dapat! Sa pinansiyal, di baling gumastos, basta ito ay para sa  ikaliligaya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Hindi dapat mabahala, parating na ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, magpasalamat sa kasuyong galante, makakatikim ka na naman sa kanya ng mamahaling regalo. Suwerteng pang-exchange gift ang coffee mug. Mapalad ang 5, 17, 23, 33, 41 at 46. “Aum-Gayatri-Om.” White at old rose ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat kagalitan ang mga tatanga-tanga, napaghahalata tuloy na ikaw man ay may makitid na kaisipan. Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Sa pag-ibig, isang isinilang sa buwan ng Enero ang may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Salvame-Om .” Red at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May magte-text, isang misteryosong nilalang ang lihim na nagkakagusto sa iyo na ayaw magpagkilala. Wag mo “replayan” para lalong manabik sa iyo. Sa pinansyal, imbis na ubusin ang oras sa pagpe-Facebook, mag-isip ng pagkakakitaan ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 25, 29, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Ketu-Mandala-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Labis lamang ang pagmamahal sayo ng kasuyo kaya siya nagiging matampuhin, lambingin mo upang mawala na ang kanyang sumpong.  Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Halka.” Beige at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—May bababala ng karamdaman! Pahinga muna sa tabaho ang dapat! Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook.  Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, baka mahulog ka na naman sa kaimmoralan. Mapalad ang 3, 8, 15, 26, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag masyadon magparami ng salapi! Hindi mo yan madadala sa langit! Masarap magtulog sa kawayang papag na payapa ang kalooban, kaysa sa kamang malambot na maraming iniisip. Sa pag-iibig, hindi matutumbasan ng anomang halaga ang pagmamahal sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om”. Pink at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pinansyal, wag masyadong abusuhin ang katawan sa mga bagay na hindi naman nakatuon sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig hihigop muna ng mainit na kape. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon palang iplano na ang gagawin sa 13th month pay. Sa halip na ubusin sa walang kapararakang pag-gasta, ilagay ito sa proyektong pagkakakitaan. Sikaping unawain ang kasuyong  Cancer, at kumbinsehin na rin siyang magtipid-tipid ngayong kapaskuhan.  Mapalad ang 2, 7, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nariva-Om.” Blue at gold ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending