Marvin yumaman dahil sa sobrang kakuriputan | Bandera

Marvin yumaman dahil sa sobrang kakuriputan

- March 25, 2012 - 04:35 PM

Kahanga-hanga ang ginawang pagsisikap ni Marvin Agustin dahil ngayon ay matagumpay na siyang negosyante.

Hindi siya nabigo sa kanyang mga pangarap, marunong siyang humawak ng pananalapi, nagbunga ang sinasabing kakuriputan ng aktor dahil puwede na siyang mabuhay ngayon kahit hindi siya nag-aartista.

“Pero kahit pa maging restaurant magnate na ako, hindi ko pa rin tatalikuran ang pag-aartista na napakalaki ng nagawa sa buhay ko.

Palaging nandiyan lang ang showbiz para sa akin,” nakangiting reaksiyon ng matagumpay na si Marvin.

Sa bawat pisong kinikita niya ay nagtatabi na agad siya para sa kanyang kinabukasan, hindi niya naman pinagdadamutan ang kanyang mga sariling pangangailangan, pero hindi siya nakikisabay sa mga kumpetsiyon.

“Ayokong bumili ng isang bagay dahil sa gusto ko lang na meron ako. Lalong hindi ako bibili ng something para lang masabi ng iba na meron din ako ng meron ang iba. Bibilhin ko ang isang bagay dahil kailangan at gusto ko.

“Ayoko ring makipagsabayan lang, ‘yung papangarapin kong magkaroon ng isang branded stuff dahil ‘yun ang uso kahit hindi ko naman kaya ang halaga.

Bago ako mag-wish na meron ako nu’n, hawak ko na ang pambili,” praktikal na kuwento ng guwapong aktor.

Padagdag nang padagdag ang mga restaurant na siya ang may-ari, nagpoprodyus din siya ng mga foreign act, pinasok din niya ang pagla-line produce ng Kanta Pilipinas ng TV5.

Pero sa kabila ng lahat ay maligaya siya na kasama ang kanyang kambal, ang kanyang pamilya, ang taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon mula sa paggising pa lang niya hanggang sa gumabi na.

“Yes, I’m happy. Napakabait ng Diyos sa akin.

Maligaya ako dahil marami rin akong napapaligaya, natutulungan at natuturuan sa mga pinagdaanan ko.

Ikinukuwento ko sa kanila ang lahat-lahat.

Ang pagsisimula kong mangarap, ang mga pagsisikap na ginawa ko, ang pag-iipit ng kung anumang nagkakaroon ako.

“Happiness for me now is sharing what you know and what you have the right way.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumatanaw ako ng inspiration at utang na loob sa kahirapan ng buhay namin noon, sa showbiz na napakaraming naidagdag sa buhay ko, at sa mga taong hindi nagdamot ng pagsuporta sa akin mula nu’n hanggang ngayon,” kuwento ni Marvin Agustin na alam mong ninanamnam ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending