Kris ipinagyabang sa buong mundo ang super mahal na regalo kay Boy
IN bad taste, para sa amin ang walang pakundangang pangangalandakan ni Kris Aquino ng regalo niya kay Boy Abunda na nag-birthday noong Oct. 29.
Kris excitedly showed up on their evening show dahil birthday ni tito Boy noong araw na iyon. Talagang itinaon ni Kris na sa mismong kaarawan ng BFF niya dumating mula sa short vacation trip sa Japan kung saan nag-taping din siya ng kanyang TV show.
Marunong talagang umeksena si Kris, perfect ang timing niya sa paggawa ng isang perfect scene. When she came to the studio, she was clutching a very big shopping bag. Of course, it was obvious na regalo niya iyon sa birthday Boy.
Talagang sinabihan ni Kris si tito Boy sa panimula ng show na i-open na ang kanyang regalo. Tumalima naman ang TV host and opened the box.
Inilabas niya ang pagkaganda-gandang pair ng sapatos na obviously ay mamahalin. Nakakaloka ang shoes, sa unang tingin pa lang ay talagang eksenadora na. Meron kasi siyang colorful spikes.
Of course, tito Boy thanked Kris for the gift. Isinuot pa nga niya ang isang sapatos just to please Kris na tila excited talagang makitang suot ng kanyang co-host ang kanyang mamahaling regalo.
Kris could have given her gift kay tito Boy while they were in the dressing room but she didn’t. Gusto talaga niyang makita ng publiko how mamahalin her gift was to her co-host.
She wants to FLAUNT her gift, that’s what she wanted to do. Gusto niyang makitang naglalaway ang mga manonood sa pagkamahal-mahal na regalo niya sa kanyang kaibigan.
Alam n’yo naman si Kris, parang seemingly endless ang kayabangan. Hindi na siya nahiya sa mga nagugutom at naghihirap ng mga Pinoy na patuloy na nagtitiis sa kakarampot nilang kita dahil sa kawalan ng sapat na tulong sa gobyerno na pinamumunuan ng kanyang kuya.
Kaya marami ang naiinis dito kay Kris, napaka-insensitive raw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.