Sa 2015 makakaahon na sa kahirapan
Sulat mula kay Connie ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,
May trabaho naman ang mister ko, isa siyang driver, kaya lang lagi parin kaming kinakapos. Lima na kasi ang mga anak namin at lahat ay nagsisipag-aral. Kaya sa ngayon upang makaraos napipilitan akong mangutang ng mangutang kahit kaninong kakilala ko, kaya unti-unti na kaming nababaon sa mga pagkakautang. Naaawa na nga po ako sa mga anak ko, madalas kasing pumapasok ng walang baon. At ang isa pang inaalala ko, magpapasko na, wala man lang kaming ipon pera pang-handa. Sana sa pamamagitan ng inyong kaalaman malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa kahirapan, alang-alang man lang sa mga anak ko para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. December 8, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Connie ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Wala sa Leyte ang iyong suwerte kundi nasa malayong lugar” – ito ang nais sabihin ng Guhit ng Paglalakbay o Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin kung lalakasan mo lang ang loob mo na mag-abroad, walang duda, sa pangingibang bansa, mas mabilis na aasenso at uunlad ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Five of Clubs, Queen of Clubs at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ngayon palang ay mag-aaplay ka na sa abroad, at sa darating na taong 2015, tiyak ang magaganap, sa nasabing taon sa edad mong 36 paraas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.