Kris balak nang mag-retire sa 2016, sasabak na sa politika | Bandera

Kris balak nang mag-retire sa 2016, sasabak na sa politika

Reggee Bonoan - October 31, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

PORMAL nang bubuksan ang Chowking branch na pag-aari ni Kris Aquino sa Alimall Cubao, Q.C. sa Nov. 28, 2014 kaya ang tanong agad sa unang endorser/franchisee ng nasabing fast food chain ay kung sino ang mga imbitado niya.

“Ay wala akong invited (friends and families) kasi ililibre ko pa sila, kailangan lahat magbayad sa opening day! Ire-require ko lahat magbayad,” ang tumatawang sabi ni Kris.

Maging ang kapatid niyang si Presidente Noynoy Aquino ay pagbabayarin din ni Kris, “Yes, he has to pay.”

Nagkaroon ng ideya si Kris na magtayo ng negosyo nu’ng kausapin siya ng kanyang kaibigan-confidante at manager na si Boy Abunda nang ito’y magkasakit, “Kris, we have to prepare, ang puhunan natin, katawan natin and we don’t show up for work, ang problema wala tayong suweldo kailangan talaga may mga negosyo na tayo.”

Ang kinita raw niya sa pelikulang “My Little Bossings” bilang co-producer ni Vic Sotto ang ipinambili niya ng nasabing franchise, “Oo umikot lang ‘yung pera, it’s my first venture na hindi entertainment related,” sabi ng TV host.

Naging realistic lang daw si Kris dahil ang kontrata niya sa ABS-CBN ay hanggang 2016 na lang, “At parati kong sinasabi sa mga kapatid ko, sa mga anak ko na by the time na dumating ang 2016, grabe na rin ‘yung run that I have, I’ve been 30 years, so kung doon matatapos, a new chapter of my life na rin ang magbubukas, okay din.

“Pero kung puwede pang magpatuloy, okay din naman, pero gusto ko rin talaga to make sure na mayroon ding naipundar to take care of my two sons, because Bimb will be nine years old and alam naman ng lahat that Josh need life long care, so this is the start.
“Importante na ang pasukin kong negosyo, kasi di ba, you hear so many artista na pumasok sa negosyo na hindi naalagaan kasihindi namin expertise ‘yun. Expertise namin mga sarili namin.

“So, ito, this is a welcome opportunity for me kasi naramdaman ko na meron na silang proven na parang formula for success, secondly, I trust them, nagustuhan ko ‘yung mga tao behind the brand and third, I trust my partner,” say pa ni Tetay.

At dahil abala si Kris sa kanyang TV shows ay pinayuhan siya ni kuya Boy na, “Dapat mayroon akong negosyo na tatakbo kahit hindi ako araw-araw na nandoon. Sabi pa ni Boy, ‘If you want to succeed, you have to be there na kahit every other week kailangan makita ka diyan na maramdaman nila (staff/customers) you are involved.

“Kaya after ng shooting ng ‘Feng Shui’ kasi naghahabol na kami now, magkakabuhay na ako, puwede na akong (dumalaw).”

May tsikang hindi raw aabot sa deadline ng MMFF 2014 ang “Feng Shui 2” nila ni Coco Martin dahil ilang porsiyento palang ng movie ang nakukunan, “I have no idea, let’s pray! I have a shooting on October 31 and November 1, and November 4 all the way until November 20, sana umabot,” pag-amin ni Kris.

Habang paalis si Kris ay tinanong namin kung nag-offer si Vic Sotto na muli silang magsama sa pelikulang “My Big Bossings” dahil nu’ng nakaraang taon ay sila nina Ryza Mae Dizon at Bimby ang magkakasama na kumita ng malaki. “Actually, nag-offer sila, but hindi kami pinayagan ni tita Cory (Vidanes), kaya nga nakuha ko ang ‘Feng Shui’, kasi iyon ang binargain sa akin na gagawin ko at may investment ako sa movie namin.

“Same thing with Bimb, hindi rin siya pinayagan, kaming dalawa, kaya napunta siya sa movie ni Vice (Ganda) at may investment din siya ro’n. Ha-hahaha!” pag-amin sa amin.

Muli naming inalam kung papasukin na talaga ni Kris ang pulitika dahil dati nagsabi siyang mag-aaral muna para handa siyang tumakbo. Pero bigla siyang nagsabi na hindi na lang daw kasi ayaw ng mga kapatid niyang magulo ang pamilya niya lalo’t bata pa si Bimby.

Pero nabanggit niya ang kanyang “public life” kaya tinanong namin kung tuloy na tuloy na ang pagtakbo niya.

“Not in 2016! Pero hindi ko tinatanggal ang possibility kasi, ‘yung some point in your life, you have to give back sa rami ng blessings na tinanggap mo, so ‘yun nga, parang pinag-usapan namin (ulit) ng mga kapatid ko, with my sisters, I said na number one, kailangan teenager na si Bimb kasi ayoko na masabi niya na ‘My mom was never there.’ E, ngayong artista at host ka, ganito na ang schedule, what more kung papasukin mo ang public life.

Nakapag-invest na si Kris sa negosyo, kailan naman siya magi-invest sa lovelife, “When will I invest in my lovelife? (matagal bago sumagot si Kris). Tagal kong pinag-isipan ang isasagot ko kasi ayaw kong mapahiya. Ha-hahaha!

“Siguro kasi it’s not time, hindi siya magwo-work, with the schedule like this. Secondly, who wants a girlfriend who has always followers in Instagram na kailangan di ba, na for people to allow you into their lives and into their home, you have to allow them into your life, so pag hindi ko na kailangang mag-post ng nangyayari sa buhay ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mayroon akong figures na sinet, if naipon ko na ito, I can retire. By retiring, I don’t think I’m gonna work then, I gonna have a private life, konti na lang maaabot na siya, so malapit na,” tumatawang sabi pa ni Tetay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending