Elmo pumayag nang maghubad, mga bading na fans tulo laway | Bandera

Elmo pumayag nang maghubad, mga bading na fans tulo laway

Ervin Santiago |October 29,2014
facebook
share this

Elmo pumayag nang maghubad, mga bading na fans tulo laway

Ervin Santiago - October 29, 2014 - 03:00 AM

elmo magalona
KITANG-KITA sa mga eksena ng magdyowang Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa bago nilang teleserye sa GMA 7 ang napakagandang relasyon nila sa tunay na buhay. Ang tinutukoy namin ay ang follow-up project nila sa Kapuso Network after Villa Quintana na More Than Words, magsisimula na ito ngayong darating na November.

Kahapon sa presscon ng nabanggit na Kapuso kilig serye, parehong looking fresh at blooming sina Janine at Elmo, sabi nga ng ilang miyembro ng entertainment media, bagay na bagay ang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa binata nina Francis at Pia Magalona.

Kitang-kita sa mga tinginan at kilos nila na mahal talaga nila ang isa’t isa. Sa trailer pa lang ng More Than Words ay talagang makikita na ang pag-level up ng kanilang tambalan.

Kung na-enjoy n’yo ang loveteam nina Janine at Elmo sa Villa Quintana, mas mai-in love raw kayo sa bago nilang serye dahil mas light lang ito at punumpuno ng kilig at nakakatawang eksena.

Gagampanan kasi ni Janine rito ang nakakalokang role ni Katy Perez o Ikay, isang estudyante na hindi biniyayaan ng kagandahan (as in chaka talaga! Ha-hahaha!), wala rin siyang kaibigan sa campus at laging biktima ng pambu-bully. Kaya naman gumawa siya ng isang blog kung saan niya binubuhay ang kanyang mga frustrations sa buhay.

At sa isang kuwentong isinulat niya sa kanyang blog, nabuo ang kanyang ideal man na mabubuhay sa katauhan ni Hiro (Elmo) na isang anak mayaman na mapapadpad sa kanilang lugar hanggang sa mapalapit sila sa isa’t isa.

Dito na rin magbabago ang mga pananaw sa buhay ni Ikay. Ang tanong, ngayong kasama na niya ang kanyang ideal man, magdesisyon din kaya siya na baguhin ang kanyang sarili para magustuhan din siya ng kanyang pinapangarap na lalaki?

Feeling namin, mas maraming mababaliw na girls and beki kay Elmo sa seryeng ito dahil medyo nagpa-sexy dito ang binata. May ipinakita kasing eksena kung saan nakahubad siya sa beach. Ibig sabihin, ito na ang simula ng pagpapaka-daring ni Elmo.

In fairness, mukhang pinaghandaan niya ang mga eksenang ‘yun dahil gumanda talaga ang katawan ng dyowa ni Janine. Pero ang talagang ikinatuwa ng media during the presscon ay ang mga ipinalabas na eksena ni Jaclyn Jose na gumaganap na nanay ni Janine sa kuwento.

Grabe naman kasi ang mga punchlines at hirit ng award-winning actress sa teaser ng More Than Words. Siguradong tatatak na naman sa manonood ang karakter ni Jaclyn sa serye tulad ng mga ginawa niya sa mga nakaraang soap opera ng GMA.

Bukod kay Jaclyn, makakasama rin sa More Than Words sina Gardo Versoza, Yayo Aguila, ang nagbabalik na tambalan nina Rey “PJ” Abellana at Leni Santos, Enzo Pineda, Stephenie Sol, Mayton Eugenio, Mikoy Morales, Coleen Perez at marami pang iba, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Samantala, consistent si Elmo sa pagsasabi na good influence si Janine sa kanya and vice versa. Bilib na bilib nga ang dalaga sa kanyang boyfriend dahil sa disiplina at tiyaga nito, “He has this way of making things happen at ‘yun ang gusto kong matutunan from him,” ani Janine.

Janine just turned 25 recently, while Elmo is only 20, pero sabi ng anak ni Francis, wala raw issue sa kanila ang edad, ang mahalaga ay nagkakaintindihan sila. Pero inamin ni Elmo na talagang selosa siya bilang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi raw siya masisisi kung maging OA siya sa pagkaseloso dahil ang ganda-ganda ng kanyang girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending