May paraan pa kaya para magkabalikan?
WALA pa rin kaming natatanggap na sagot mula kina Rayver Cruz at Cristine Reyes tungkol sa hiwalayan nila dahil pareho silang tahimik at maging ang aktres na aktibo sa Twitter ay tila nanahimik din, kaya nakakapagtaka.
O, baka naman busy siya kay “Sweety” kung sinuman ‘yun.
Samantala, sa presscon ng “Moron 5 and the Crying Lady” ay kinunan namin ng komento ang manager ni Cristine na si Veronique del Rosario at inamin nito na clueless siya sa isyu.
“Actually, ang daming nagtanong sa akin, ang daming nagti-text, honestly, wala akong alam, hindi ko pa natatanong si AA kasi busy siya sa taping, so hindi ko siya iniistorbo, so wala talaga akong alam,” seryosong sabi ng manager ng aktres.
Muli naming kinulit si Ms. Veronique at sabi namin kumpirmadong hiwalay na nga, ano ang masasabi niya?
“Honestly, malulungkot ako, kasi di ba, sabi ko, love ko si Rayver?
Gusto ko kasi siya, pumupunta siya sa affair namin, maski wala si Cristine, at saka malapit siya sa aming lahat (Viva), hindi lang si Cristine ang pinakisamahan niya, kaya love ko ang batang ‘yun, gusto namin siya.
“Nakakahinayang kung totoo nga, bihira ka namang makakita ng tulad ni Rayver, mabait na bata kasi,” seryosong pahayag pa ni VRC.
Puwede kayang kausapin niya ang kanyang alaga na makipag-ayos kay Rayver?
“Ay, ayoko namang pangunahan, respeto ko naman din kay Cristine, ayokong makialam sa ganyan, bahala na siya,” sagot ng manager ni AA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.