Liza Soberano: Bibili muna ako ng 2 bahay, 1 condo at 2 kotse!
Speaking of Liza Soberano, sobrang overwhelmed ang dalaga sa bilis ng pangyayari sa career niya dahil noong 2013 lang sila ini-launch bilang bagong batch ng Star Magic Circle ay heto’t may lead role na siya.
Challenging ang role niya sa serye bilang Baguio girl na nagkagusto sa taga-Maynila (Enrique). Halos perfect ang beauty ni Liza dahil sa edad na 17 ay matangkad siya, maganda ang mukha, matangos ang ilong, maganda ang mga ngipin, maganda ngumiti, mabait at higit sa lahat, napakagalang na bata.
Nakaapat na project palang si Liza sa ABS-CBN, dalawang serye – Kung Ako’y Iiwan Mo at Got To Believe at dalawang pelikula – “She’s The One” at “Must Be Love” bukod pa sa guestings niya sa Maalaala Mo Kaya.
Kaya sabi namin sobrang swerte ni Liza dahil ‘yung ibang artista ng Star Magic ay taon na ang binibilang pero hindi pa rin nabibigyan ng sariling serye, “Kaya nga po sobrang thankful po ako sa lahat, sa ABS-CBN, Star Cinema sa ibinibigay nilang projects.
Blessings po talaga,” saad ng bagets. Sa ginanap na pocket presscon ng cast ng Forevermore noong Sabado ng hapon ay inamin ni Liza na crush niya talaga noon pa si Enrique kaya aminadong may kilig talaga siya sa binata.
Kuwento ni Liza, “I’m very much comfortable now working with Enrique, talking to him, dati po kasi, nahihiya talaga ako, hindi ako makatingin sa kanya, pero ngayon okay na po, kaya maganda na po ang working relationship namin.”
Tinanong namin si Liza kung hindi siya pinagbawalan ng manager niya na mag-boyfriend ay gusto na ba niya, “Ako po mismo ayaw ko po, ayaw ko pong masyadong maraming iniisip.” Singit naman ni Marco Gumabao, “Siya (Enrique) lang naman ang iniisip mo, eh,” sabay tawanan ang lahat.
May usapan daw sina Liza at ang tatay niya, “Yung dad ko po, nag-usap po kami, mga 22 daw po, puwede na akong tumanggap ng manliligaw, at 24 po puwede na akong mag-boyfriend,” masayang pahayag ng dalagita.
At dahil 22 na si Enrique plus 8 years na paghihintay ay 30 na siya bago niya makuha ang matamis na oo ni Liza kapag nanligaw talaga siya.
Akala namin ay sa tatay lang ni Liza siya nangako, pati pala sa manager niyang si katotong Ogie., “Sabi po ng manager ko, bago ako mag-boyfriend, dapat nakapagpatayo na ako ng dalawang bahay, one for my mom’s family na nasa US now at isa po para sa amin ng dad ko at isang condo for my own.
And two cars po,” masayang kuwento ng batang aktres. Inamin ni Liza na sana’y marating din nila ni Enrique ang narating ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Kasama rin sa serye sina Bukod kina Kit Thompson, CJ Navato, Igy Boy Flores, Yves Flores, Lilet, Zoren Legaspi, Almira Muhlach, Marissa Delgado at Joey Marquez at mapapanood na ngayong gabi sa ABS-CBN mula sa Star TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.