Mga Laro Ngayon
(Sto. Domingo, Ilocos Sur)
4 p.m. Mane ‘N Tail vs Petron
6 p.m. Generika vs RC Cola-Air Force
DADALHIN ngayon ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics ang kanilang laro sa Sto. Domingo, Ilocos Sur sa isang doubleheader.
Mangunguna ang Petron na babanggain ang Mane ‘N Tail sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon at ang makukuhang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners, ang magtutulak sa koponan para makasalo sa liderato.
Ang Cignal ang natatanging koponan na hindi pa natatalo matapos ang dalawang laro sa anim na koponang liga.
Ang ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi ay sa hanay ng RC Cola-Air Force at Generika at ang una ay magsisikap na mailista ang ikalawang sunod na panalo matapos mabigo sa unang laro.
Nadala sa Ilocos Sur ang Spike on Tour dahil na rin sa suportang ipinakita ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Governor Ryan Luis Singson na nais gamitin ang PSL para maipakilala sa mga kababayan ang larong volleyball bukod sa paggamit dito para maipamalas ang kakayahan ng lugar para maging sports hub ng bansa.
“Hosting the PSL is a good avenue to showcase our capability to host a big competition,” wika ni Singson.
Tinalo ang Generika sa unang laro, sasandalan ng Petron ang husay ng mga imports na sina Erica Adachi at Alaina Bergsma bukod sa matangkad at mahusay na si Dindin Santiago para maipagpatuloy ang pangunguna sa liga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.