Kahit patuloy ang pang-ookray sa kanya
HINDI man nagpapahalata, naniniwala kaming apektado rin kahit paano si Dingdong Dantes sa mga isyung ibinabato sa kanya, lalo na ang ginagawang pagkukumpara at pang-iintriga sa kanila ni Gov. ER Ejercito.
Kapag iniinterbyu, laging sinasabi ng aktor na walang problema sa kanya kahit na alipustahin siya ng ilang taong hindi naniniwala sa kanyang kakayahan bilang isang artista, may kanya-kanya raw tayong opinyon at nirerespeto raw niya ‘yun.
Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ngayon ang isyu sa kanila ni Gov. ER, hindi kasi na-nominate ang aktor-politiko sa Golden Screen Awards ng EnPress at ang chika, nilaglag daw kasi ito in favor of Dingdong na isa nga sa mga pumasok sa mga nominated for Best Actor sa nasabing award-giving body (para sa Segunda Mano).
Sa isang interview, sinabi nga ni Dingdong, “Okay lang yun. Maraming tao na nagbibigay ng opinyon at nirerespeto natin ‘yun.
Pero sa akin kasi, malaking bagay ang isang nomination, because hindi lang naman opinyon ng isang tao ‘yan, kundi napakarami.
“Galit? Wala, wala, sobrang wala talaga.
Kahit ako, natutuwa nga ako sa mga opinyon nila at nirerespeto ko ‘yun,” pahayag pa ng boyfriend ni Marian Rivera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.