Natutulog sa pansitan ang militar | Bandera

Natutulog sa pansitan ang militar

Ramon Tulfo - October 21, 2014 - 03:00 AM

KUNG totoo na nagbayad ng P250-million ransom para sa dalawang kidnap victims na sina Viktor Stefan Okonek, 71 anyos, at Henrike Dielen, 55, malaking pera ang naibigay sa mga Abu Sayyaf.

Sa ganoong halaga, ang grupo ng mga teroristang Moro ay makakabili ng mga armas at bala para gamitin sa mga government troops at mga inosenteng sibilyan.

Makakabili na ang Abu Sayyaf nang mga high-speed boats na gagamitin nila para magsagawa ng kidnapping sa karagatan ng bansa at sumalakay sa mga beach resorts.

Sa halagang P250 million, puwedeng manuhol ang Abu Sayyaf sa mga opisyal ng pulisya, militar at mga lokal na opisyal upang huwag na silang tugisin.

Ang Abu Sayyaf ay hindi matakaw sa pamamahagi ng kanilang loot.

Noong negosasyon para mapakawalan ang mga European at Malaysian kidnap victims sa panahon ni Pangulong Erap, isang miyembro ng Gabinete at ilang opisyal ng Sulu ang naambunan ng mga Abu Sayyaf.

Ang Cabinet member, na inatasan na makipag-
usap sa mga Abu Sayyaf, ay nakabili ng crematorium (kung saan sinusunog ang bangkay at ang abo ay inilalagak sa mga special compartments sa isang malaking building), sa kanyang parte sa ransom.

Sino naman kayang mga national at local officials ang naambunan ng mga Abu Sayyaf sa ransom para sa dalawang Aleman?

Dapat mabahala ang mga awtoridad sa naganap na pagbigay ng napakala-king ransom sa mga Abu Sayyaf dahil nabigyan sila ng insentibo na magsagawa ng iba pang kidnapping for ransom.

Nanganganib ang mga island resorts sa Palawan gaya ng sa El Nido at ang Amanpulo, na pinagbabakasyunan ng mga Hollywood stars.

Ang dalawang Aleman ay sinunggaban ng mga Abu Sayyaf habang sila’y naglalayag sa kanilang yate sa karagatan ng Palawan.

Baka maulit ang raid sa mga resorts sa Palawan, na malapit sa Sulu at Basilan.

Noong May 27, 2001, pinasok ng mga terorista ang Dos Palmas resort sa malapit sa Puerto Princesa.

Ang Dos Palmas ay wala sa plano ng Abu Sayyaf na pasukin dahil may Air Force base sa Puerto Princesa at puwede silang tugisin ng mga helicopters o fighter planes.

Sa kasamaang palad, ang commander ng Western Command noon ay naglalaro ng golf at hindi naniwala sa mga reports na sinalakay ang Dos Palmas.

Halos magkadikit ang Dos Palmas at Puerto Princesa kaya’t nahabol sana ang mga Abu Sayyaf ng helicopter o fighter jets, pero tatanga-tanga ang Wescom commander.

Ang tunay na target ng mga Abu Sayyaf na galing sa Basilan ay ang El Nido o Amanpulo, pero nailigaw sila kaya’t napunta ng Dos Palmas, sabi ng mga intelligence reports.

Ang El Nido at Dos Palmas ay mas malapit sa Sulu at Basilan kesa sa Puerto Princesa na nasa dulo ng probinsiya ng Palawan.

Ang mga guests na nakuha ng Abu Sayyaf sa Dos Palmas ay isang construction tycoon at tatlong Amerikano, na isa sa kanila ay pinugutan ng ulo.

Halos lahat ng mga batang babae na nakidnap ay ginahasa ng mga Moro nang dumating na sila sa Basilan.

Pinaninindigan ng gobyerno na wala silang binayad na ransom sa mga Abu Sayyaf, pero bakit iginigiit ng mga terorista na nakatanggap sila ng P250 million “walang labis, walang kulang.”

Kung hindi nga nagbayad ng ransom ang gob-yerno, bakit nakalusot ang emissary, na nagdala ng ransom payment sa mga Abu Sayyaf, sa military checkpoints?

Sinabi ng Armed Forces high command na napaligiran ng Marine at Army troops ang lugar na pinagtataguan ng mga Abu Sayyaf na hawak ang mga hostage.

Bakit hindi namonitor ng AFP intelligence ang pag-withdraw ng malaking halaga sa mga bangko sa Zamboanga City o Manila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukhang natutulog sa pansitan ang mga militar kahit na maraming tropa ang pinadala sa Sulu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending